Chapter 10: Getting to know you
Acle's POV
Ngayon ang interview ko sa pinakaiinisan kong tao sa buong mundo.
Inihanda ko na ang lahat ng itatanong ko sa kanya. Kumuha na rin ako ng ilang background sa internet. Sikat pala yung mokong na 'yun? No doubt, his family is filthy rich. Kaya naman pala ganoon ang ugali, haay.
Pagkatapos ng morning classes, sa wakas ay break na!
"Psst. I-interview-hin na kita," napansin kong tulala si Monmon at parang may malalim na iniisip. Nakapagtataka ring hindi niya pa ako inaasar sa araw na ito.
Hinatak niya ang isang upuan palapit sa arm chair niya.
"Come here."
Biglang namang nagtinginan sa amin ang mga kaklase kong chismoso't chismosa.
"Hey, what are you looking at? Get out of here already! Break na 'di ba?" sigaw n'ya sa mga natitirang kaklase namin sa loob ng room. Nagsialisan naman sila at ngayon, kaming dalawa nalang ang natitira sa room.
"Go ahead. Magtanong ka na," sabi n'ya ng seryoso habang nakatingin sa akin.
"Ahhm. A-ano... Si---"
"Journalist ka ba talaga? Para kang tanga magtanong eh. Tss."
Hingang malalim, Acle. Relax. Wooh! Interviewee mo 'yan, kalma ka lang!
"Yes I am, Sir. I'm sorry about that. So. let's proceed to the first question."
Humalukipkip lang siya.
"Who's Marx Ramirez in the real world?" tanong ko.
"Bakit mo itinatanong 'yan? Bakit? May FAKE WORLD ba?"
Ang hirap namang mag-interview kapag ganito kapilosopo ang kausap. Jusmeyomarimar!
"Oh... I mean, who's Marx Ramirez in this CORPORATE WORLD?"
"Marx Ramirez is Marx Ramirez. I'm the heir of this university, other than that, I'll soon manage the Ramirez Group of Companies. Our company is one of the most recognized telecommunication companies in Asia. We also excel in transportation both in air, land, and the oceans. As an heir of these companies, I have to undergo trainings on how to handle our riches. Being Marx Ramirez is really difficult knowing that I should be responsible and knowledgeable about almost everything that concerns our corporation. I know that it'll be hard, but I can guarantee my dad that I'll be able to manage our business the way he wants it to be handled. Many people say that I have eveything, the physique, the guts, the charm, and the brains. But I seriously think that there's something missing in my life. Maybe I'm goin' to find it out soon, and how I wish... that one day, I'll be complete. I am no ordinary man, I can be every woman's ideal man."
Habang sinasabi nya yan, hindi ko alam kung bakit parang nag-iba 'yung tingin ko sa kanya. Parang...
Parang gusto kong mag-agree dun sa last words na sinabi n'ya.. natameme ako bigla sa sagot n'ya. Hindi ko kasi inaasahang magiging ganyan kalaman ang mga sasabihin niya, na pagti-tripan niya lang ulit ako. I was wrong.
Marx Ramirez can act dead serious.
"Ahh. I'm sorry, Sir. For the next question... how's Marx Ramirez as every woman's ideal man?"
Parang bigla akong nailang sa pagtitig niya sa akin. Sobrang seryoso niya ngayon.
"As of now, I can say that girls go crazy when they see me---"
Bigla akong napaubo sa mga narinig ko kaya napatigil siya sa pagsasalita. Ang yabang naman kasi!
"Hmm. Hehe. Sorry sir, tuloy n'yo na po."
BINABASA MO ANG
Mr. Lady Fell in Love
RomanceNBSB na nga, napagkamalan pang tomboy? Aw. Saklap, 'di ba? Paano kaya kung ang babaeng siga maglakad, astig pumorma, at cool kasama ay ma-in love sa isang... Mayaman, mayabang, matalino at g'wapong nilalang? Find out how Mr. Lady turns into a REAL L...