Chapter 19: Partners

853 28 5
                                    

Chapter 19: Partners

Enrick's POV

Kahapon pa ako nag-aalala kay Acle. Pagbalik ko kasi sa office ni Marx kahapon, nakasarado na. Mukhang wala nang tao.

Naisip ko, baka nakauwi na sya. Wala pa naman din akong number nun kaya di ko natawagan. Tss.

Baka naman nagpahinga na yun. Siguro mamaya ko nalang sya aayain para masamahan nya ako.

Pumasok na ko sa school ngayon..

Nakasalubong ko si Angel habang naglalakad ako papunta sa room.

"Enrick, nakita mo ba si Acle? Di kasi sya umuwi kahapon e. Nag-aalala na talaga ako sa kanya. Di pa nya sinasagot mga tawag ko." mukhang nag-aalala talaga sya.

"Nako. Hindi e. Akala ko naman kahapon nakauwi na sya. Tara, samahan na kita hanapin sya."

Haay. Nasan kaya si Acle? Sana naman okay sya.

Nilibot namin ang buong university pero di namin sya nakita.

"Si Marx. Tama. Si Marx ang huli nyang kasama. Let's go to his office."

Marx's Office..

*katok katok katok

"Oh Enrick? Anung ginagawa nyo dito?" si Marx yan.

"Ba-bakit ka nakahubad? Magbihis ka nga!" si Angel yan. Haha.

"Marx nasan si Acle?" tanong ko.

"Ahh-ano na-ndito sya." tapos tumuro sya dun sa may sofa.

"Waaaaaah! Anung ginawa mo sa pinsan ko? Ba-bakit ka nakahubad? Waaaah! Bastos!" si Angel na sigaw ng sigaw.

"Ho-hoy! Wala akong ginagawa nu! As if gugustuhin kong may gawin sa kanya! Tss. Magpinsan nga kayo.. parehas kayong OA. -___-" -Marx.

"Pare, anu bang nangyari?" tanong ko.

At kinuwento nya na nga ang lahat. Haaay. May sakit pala sya? Tss. Grabe naman kasi yung parusa e.

Pinuntahan na namin si Acle na natutulog sa sofa..

"'couz, kamusta ka na? May lagnat ka pa ba?" Angel.

"Hmm.. o-ok na naman ako.. Medyo masakit lang ang ulo ko." si Acle.

"Tara na sa clinic.." ako.

"Hoy, Enrick! Penge muna akong damit! Kagabi pa ko nakahubad! Tss. Dalawang baliw na ang nakakakita ng abs ko. Tsk." si Marx.

Mr. Lady Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon