Chapter 8: At the Palace
Acle's POV
Maaga kaming gumising ni Angel dahil nakakahiya naman sa unggoy kung male-late kami sa araw ng paggawa ng project namin.
Pero in fairness ha! Gusto ko 'yung ganun! Ayoko kasi sa Filipino time. Tsk. Nakakadala na rin kasi.
*FLASHBACK
One time, may group project kami nung highschool, ang sabi ng leader namin, 7am sharp daw kami magkikita-kita.
So ayun, inagahan ko, 6:30am palang, nasa meeting place na ako. Ganito ako ka-punctual. Pagsapit ng 7am, the nerve!? Wala pa ring anino ng kahit sinong member ng group namin!
Nagpasensya pa ako at naghintay lang naman ng dalawang oras. Pero.. Waaaaaaaah! Nasan na sila?
Ang sabi 7am, 9am na kaya! May patience naman ako e. Pero kasi... grabe! Abuso sila masyado! Nung 'di ko na matiis, umalis na ako run sa meeting place.
Pagdating ko sa bahay namin, biglang may nagtext...
"ACLE NASAAN KA NA? IKAW NALANG ANG HINIHINTAY NAMIN!" -Classmate 1.
WHAT THE HELL?! Ako nalang ang hinihintay? Paano nangyari 'yun eh kanina pa nga ako naghihintay sa kanila? Dalawang oras lang naman! DALAWA LANG! ARGH!
Nainis ako at hindi na nagreply. Bahala sila sa buhay nila!
Ending: Gumawa sila ng project nang wala ako. Ayun, ako lang ang walang grade sa buong klase. Argh! Pinaggawa pa ako ng teacher namin ng mas mahirap na project! Siomai naman!
Lesson: 'PAG FILIPINO TIME ANG MGA KA-GROUP MO, PUMUNTA KA SA MEETING PLACE 2 HOURS AFTER THE TIME SCHEDULED.
*END OF FLASHBACK
"Maam, nand'yan na po 'yung sundo n'yo sa baba." Narinig kong sabi ng isa naming kasambahay.
"Okay, ate... Susunod na kami," sagot ko.
Time check: 8:00 am, ayaw niya talagang ma-late kami.
"Couz! Ano 'yang suot mo?"
Oh no. 'Yan na naman ang fashionista kong pinsan.
"Damit. Obvious ba, couz?" Sagot ko habang itinatali 'yung sintas ng rubber shoes ko.
"Bakit ka nakapambahay? Mag-ayos ka nga!" sigaw sa kin ni Angel. Ang arte naman!
"Hoy. Hindi pambahay 'to 'no! Ikaw? Bakit ka naka-dress? Saan ang party?"
"I said... change your clothes!" sigaw n'ya.
"Ayoko nga! Dito ako komportable eh!"
Ito na naman ang never-ending naming pagtatalo tungkol sa pagsusuot ko ng trip kong damit.
"Haay nako! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa'yo! Tss. Tara na nga!" Sumuko rin naman s'ya.
Kila unggoy lang naman pupunta e! Bakit kailangan pang gandahan ang suot? Ayos na ang pants at t-shirt!
"Maam, Good Morning po! Ako po 'yung driver ni Sir Marx. Sakay na po kayo. Naghihintay na s'ya," sabi nung driver.
Nganga! As in nganga talaga! Akala ko namamalikmata lang ako. Pero... totoo nga talaga itong nakikita ko.
"Limousine?!" sabay pa kami ni Angel.
"Opo Maam, ito raw po kasi ang ipangsundo ko sa inyo e," napakamot pa nang bahagya sa ulo si manong driver.
BINABASA MO ANG
Mr. Lady Fell in Love
RomansNBSB na nga, napagkamalan pang tomboy? Aw. Saklap, 'di ba? Paano kaya kung ang babaeng siga maglakad, astig pumorma, at cool kasama ay ma-in love sa isang... Mayaman, mayabang, matalino at g'wapong nilalang? Find out how Mr. Lady turns into a REAL L...