Chapter 3: She won
Acle's POV
Waaaaaaaah! Nakakainis na talaga s'ya! Ang sama sama ng mokong!!! Ang sakit n'un ha! Sakto ang bagsak sa 'kin nung container!!! Bwisit talaga oh!
Pero...
Kalma, Acle. Kalma.
Kaya mo 'yan, Acle.
Kaso...
Arrrrrrrrgh! Gusto ko na talaga s'yang patayin! Sino ba namang hindi mabubiwisit kung ganito ang ginagawa sa'yo???
"Ahhm. Hehe," 'yan lang ang nasabi 'ko. Muli, hindi na ako umimik. Kahit sa isip ko, bilyong beses ko na s'yang pinatay!
Coolest Revenge... coolest revenge... and chanan! Smile! Oo. Ngumiti ako sa kanya. That's to annoy the bastard out of him!
"Angel, palit tayo ng upuan please? Kahit ngayon lang... Papalipas muna ako ng sama ng loob. Pleaaaaase?" halos lumuhod na ako sa pinsan ko para lang pagbigyan n'ya ako. Buti nalang pumayag naman s'ya.
"Acle, gusto mo bang bawian ko itong unggoy na 'to?" sabay nguso dun sa katabi n'yang unggoy na walang hiya.
"Pa-paano?" bulong ko sa kanya. Nako. Mukhang mapapasubo si Alien ah! Alam ko kasing matindi magalit ang best friend ko, kaya naman medyo kinakabahan ako sa balak n'ya.
Pero joke lang yun! Hahaha! Bagay lang kay mokong ang kung anumang MASAMANG BALAK ni Angel! Bwisit siya masyado.
"I'll tell you later," tapos ngumiti s'ya sa akin at kay... kay bwisit na unggoy na alien?!
Hmm. Sounds interesting!
Riiiiing! Uwian na!!! Sa wakas! Makakaalis na ko sa isinumpang lugar na ito.
House...
"Best, anong plano mo?" tanong ko kay Angel.
"Ahh. Let me call this plan the "SWEETEST AND SADDEST REVENGE," tapos tumawa s'ya. Ano kaya 'yun?
"Ano 'yun?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.
"Simple lang, I'll make him fall in love with me."
Ano raw? Hindi ko ma-gets!
"Ha? Bakit?" tanong ko.
"'Pag nalaman kong in love na s'ya sa 'kin... I'll break his heart. As simple as that, bessy." Maganda sana 'yung plano e. Pero kasi... haaay!
"That's the best plan ever! Pero I guess, dapat isantabi muna natin 'yan. Para kasing malala e. Saka nalang natin gawin 'yan 'pag mas malala na 'yung ginawa n'ya sa 'kin. Okay?" pangkukumbinsi ko sa pinsan kong mahirap pigilan.
Hindi ko rin kasi maatim na gumanti ng ganun. Madadamay pa ang pinsan ko eh. Tsaka ako lang dapat ang involved dito. So... ako nalang ang gagawa ng paraan kung gustuhin ko mang maghiganti sa mayabang na alien na 'yun! Haay.
"'Yan! Mas'yado ka kasing mabait eh! Kahit agrabyado ka na, 'di ka pumapalag! Best, you know how much I love you... Ayokong may umaapi sayo! Dapat ako lang!" sigaw pa niya.
"I know, I know. Pero kasi... Basta. Hayaan nalang muna natin s'ya. Saka na ako gagawa ng action if ever hindi ko na talaga kaya 'yung mga ginagawa n'ya sa akin. Anyway, thanks for the concern best!" tapos niyakap ko s'ya. Haay. Bahala nalang talaga.
"Okay. Basta magsabi ka lang ha? I'm always here for you."
"Thanks!"
Napag-isip-isip ko na... 'wag nalang munang gumanti. 'Di ako makikipag-usap sa alien at 'di ko s'ya papansinin. Para tantanan n'ya na ako.
At sana naman... tantanan n'ya ako 'no?! Kundi...
HUMANDA KA SA AKIN, ALIEN KA!!!
Marx's POV
Isang linggo na ang nakalilipas since the first day of school na ginawa kong play toy 'yung lesbi na 'yun. Pero what the hell is wrong with my plans? Bakit di s'ya tinatablan? WHAT THE HELL IS WRONG WITH HER?!
Manhid ba s'ya? Wala man lang kaimik-imik kapag inaasar ko. Tss. Akala ko pa naman ang tapang n'ya. Duwag din pala!
Hindi na tuloy ako nag-eenjoy sa pang-aasar sa kanya. Dang it!!!
*FLASHBACK*
Tuesday...
Habang wala pa si Lesbi sa room, nilagyan ko ng basura ang bag n'ya. At nung nakita n'ya 'yung loob ng bag nya...
"What's this?" sabi n'ya. Halatang nainis s'ya, ayun... biglang tumayo at lumabas.
Akala ko magmumura s'ya o ano, pero inalis n'ya lang 'yung lahat ng laman ng bag n'ya at saka itinapon sa trash can ang mga basurang inilagay ko.
Pagbalik n'ya sa upuan, tumingin sya sa akin at...
Ngumiti?!
Seriously?! 'Di nya ako tatalakan o ano? 'Di s'ya nagalit sa 'kin? Sa totoo lang, naiinis na ako sa pangiti-ngiti niyang 'yon! Ang panget na nga, nakakaasar pa!
Imbis na s'ya ang mainis, bakit ako pa ang mukhang naaasar sa kanya?! Manhid ka pala ha. Tingnan lang nating bukas. Ha!
Wednesday...
Dinikitan ko ng bubble gum ang buhok n'ya.
Pero... wala pa rin? Kung ako yun! Baka napatay ko na sa bugbog 'yung maglalagay sa akin ng bubble gum sa buhok!!!
Matibay ka, Lesbi. Matibay pala ha...
Thursday...
Kung akala n'yang wala akong gagawing kalokohan sa kanya, pwes! Nagkakamali sya.
Dahil habang busy s'ya sa pagsasagot sa quiz namin, I secretly got her bag and place a big stone inside it. Hahaha!
Hinintay kong makita yung reaksyon ni Lesbi pero natawa lang ako sa kanya.
"Bakit ang bigat ng bag ko?" mapapaupo na siya sa bigat. Hahaha! Solid!!!
Tumingin s'ya ng straight sa mata ko. 'Yung seryosong tingin and then pinat n'ya yung balikat ko at sinabing...
"Nice try, ALIEN MONKEY." At muli na namang ngumiti ang bwisit na tibong 'yon!
What the?! Ganun ba s'ya katanga para hindi ako gantihan? Ano bang meron sa tomboy na 'to at mukhang sobrang laki ng patience n'ya sa akin?
Friday...
'Di ko s'ya titigilan! Pinapainit niya ang ulo ko! That lesbi is really getting into my nerves!
I don't know what's gotten into me. I think it's just that she's annoying and UGLY!
'Di man lang s'ya gumaganti. Lastek! Akala ko naman magmamatapang s'ya! Natatakot din pala! Hahaha!
She's so weird to the extent na, parang ang bait-bait niya dahil hindi s'ya gumaganti sa mga kalokohan ko.
Last na 'to for this week. Kung 'di pa rin s'ya aangal sa mga gagawin ko... Then, hindi ko talaga s'ya titigilan!
Ngumiti ako sa kanya at...
"Do you know why I'm doing this? Why don't you make plans for your revenge? Are you numb or just plain stupid to let these pass, huh lesbi? Why?" Kinausap ko s'ya at hindi ako nagkamali. At last! Lumingon s'ya sa akin...
"I thought monkeys can't talk. How come you're talking to me? Am I just dreaming?" she said while smiling.
What the hell?!
Nag-aadik ba s'ya o baliw? Naknang tokwa! Nakakainis talaga! 'Di ko na alam ang gagawin ko sa tomboy na to!!!
She's really annoying!
I HATE HER!!!
BINABASA MO ANG
Mr. Lady Fell in Love
RomanceNBSB na nga, napagkamalan pang tomboy? Aw. Saklap, 'di ba? Paano kaya kung ang babaeng siga maglakad, astig pumorma, at cool kasama ay ma-in love sa isang... Mayaman, mayabang, matalino at g'wapong nilalang? Find out how Mr. Lady turns into a REAL L...