Chapter 1: First Day

2.5K 45 5
                                    

Chapter 1: First Day

Acle's POV

"Acle, bakit ganyan ang itsura mo?!" tanong ni Angel na nauna nang umupo sa kotse. 

"Itsurang tao! Tss. Ano na naman bang mali dito ha?" naiinis kong tanong.

"I me-mean, papasok ka ng ganyan?" nakataas pa yung isang kilay n'ya.

"Yeah! Kaya nga nagmamadali 'di ba? Tara na!" sagot ko.

She gave me this look ---> -_-||

"Ewan ko sa'yo!" sigawan daw ba ako? Ano na naman kayang problema n'ya? Baliw talaga 'tong pinsan ko. Haay.

Si Angel, s'ya yung babaeng super girly. Gusto n'yan, maayos lagi sya, maganda. Maganda naman talaga itong pinsan ko e. Marami ngang nanliligaw sa kanya, kaso 'di s'ya pumapayag. Kasi parehas kami ng goal nyan:

MAG-ARAL MUNA!

Nagkakasundo kami sa mga bagay-bagay, pero minsan, tino-torture n'ya talaga ako 'pag may ginagawa akong mali RAW sa sarili ko.

Like, nung magpapagupit ako ng army cut, magsusuot ako ng ganito gan'yan... Haay. Naloloka ako sa kanya!

Pero sa totoo lang, para na kaming magkapatid. Kaya love ko 'yan kahit lagi n'ya kong pinupuna. 

"'Couz takbooo! Waaah! Male-late na tayo! Geez," sabay hatak ko sa kanya. Ang bagal eh! -_-

"Dahan-dahan nga! Para kang kabayo eh! Poise naman Acle! Poise!" 'yan na naman s'ya sa poise thingy na 'yan. May kaartehan talaga! Tss.

"MC 201. We're here," sabi ko habang pawisan pa. Haay. kapagod!

Umupo na kami ni Angel, buti nalang at 'di kami na-late. Kundi, nako!

Sa bandang likod kami umupo tapos sa tabi kong upuan may nakalagay na "RESERVED" ano 'to? Restaurant lang ang peg? Haha!

"Gosh! Ang gwapo talaga nila!"

"Oh my! I'm gonna die!"

"Waaaaah! Ang hot! Sheeeeet!!!"

Huh? May artista ba at kung magtilian 'tong mga 'to, parang mamatay sa kilig? Tss.

May pumasok sa room namin, tatlong lalaki. Tapos nanlaki ang mga mata ng classmates ko. 

Sus. Parang lalaki lang eh. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo? Tsk. Mas gwapo pa ang kuya ko d'yan e! -_-

"Angel," kinalabit ko s'ya.

"Oh? Problem?" sagot n'ya habang nakatingin sa tatlong lalaking papalapit sa amin.

"Wag kang gagaya sa kanila ha!" 

"Like I can do that. Grabe. Ang iingay!" sagot nya. Haha! Sabi na eh. Wala lang din sa kanya 'yung mga 'yun, haha!

Tapos biglang lumapit sa 'kin 'yung isang lalaki, doon umupo sa 'Reserved'. So, sila pala ang uupo dito? K. -_-

"Sino ba s'ya para lumapit sa mga prince natin?" sabi nung isang babae.

"Ang kapal ng mukha ha! Para naman s'yang tomboy!" -Girl 2.

"Edi hindi s'ya threat! Lesbian naman pala s'ya eh. Pero eeeeew! I can't believe na tumanggap ng ganyang student ang school natin!" -Girl 3

"Shut up!" ayan na, patay. Sumigaw si Angel. Hahaha!

Tumahimik lang ako nung narinig ko 'yun. Why should I care? Bibigyan ko lang ng stress ang sarili ko 'pag pinansin ko ang kaartehan nila. Alam kong ako 'yung pinag-uusapan nila. Wala akong pake. I'm here to study. Nothing more, nothing less.

Mr. Lady Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon