Chapter 21: Getting along with you

761 22 1
                                    

Chapter 21: Get along with you

Acle's POV

"SORRY NA LESBI."

Kahit mas malaki pa ang ipis sa sulat nya, di ako nagkakamali ng basa. Totoo? Nagsosorry sya?

"A-ano na namang trip yan Marx? Nakakapagod na." sabi ko.

Nakakainis naman kasi e. Halos araw-araw nalang, pinagtitripan nya ko. Haay..

"Hindi to trip no." seryoso yung mukha nya.

"Pakulo mo na naman eh.. di na effective sa kin yang ginagawa mo."

Kahit ang totoo, gusto ko na syang patawarin. Kasi naman di ba? Si Marx Ramirez? Minsan lang yan magsorry, kaso nakakadala e.

"Osige.. papatawarin kita, pero may kondisyon."

"Anong kondisyon?" -sya.

"Sabihin mo nga sa kin yung mga nakasulat dyan ng seryoso at nakatingin sa mata ko?"

"Huh? Ano ako.. tanga? Tss. No!"

Sabi na e. Hindi naman sincere tong unggoy na to. Kelan ba naman sya naging sincere? Tsk.

Tumalikod sya sa kin at naglakad na. Haaay. Di na talaga sya magbabago. Tumalikod nalang din ako at naglakad.

Bigla namang may kumuhit sa kin sa balikat at pagharap ko..

"Uhhm.. a-ano.. so-sorry na Lesbi." tapos iniabot nya sa kin yung isang bungkos ng santan.

Pinitas nya pala yun kaya sya tumalikod kanina sa kin. Haha.

"Sorry is not enough." sabi ko.

"Tsk." tapos tumalikod na ulit sya.

"Sorry is not enough.. but proving it true feels okay." yun nalang ang nasabi ko. Pagkarinig nya nun..

"So, pinapatawad mo na ako?" sabi nya.

"May isang kondisyon pa ako no." *smirk*

"Anu na naman yun?"

"Ipangako mo sa kin na hindi mo na ako aawayin."

"Hmm.. pag-iisipan ko pa yan."

"Ah. Sige." aalis na sana ako pero..

"I can't promise.. but I'll try." pagkarinig ko nun, nabuhayan ako.

"So, friends?" sabi ko. Tapos iniextend ko yung kamay ko.

"I'll think about that."

"Argh! Ayaw mo? Edi wag mo! Tsk. Nakakabwisit ka talagang unggoy ka!"

"Hahahaha. Osige na nga.. still, I can't promise.. but I'll try." sya.

"Tss. Sige na nga. Haay. Tara nga, samahan mo ako unggoy ka." tapos hinatak ko sya.

"Hoy Lesbi! Wag mo nga akong hawakan. Di pa tayo close no!" haha. yan na naman sya sa reklamo nya.

Siguro nga, ganyan lang talaga sya. Sanay na ko sa ugali nya. Minsan, nakakatuwa sya, pero kadalasan, nakakastress sya! Hahays.

"Dyan ka lang. Babalik ako." sabi ko.

"Kahit di ka na nga bumalik eh, okay na okay." bulong nya.

"Anong sinasabi mo dyan?!"

"Wala.. sabi ko, ang panget mo, pero may pag-asa ka pa." bumulong ulit sya.

"Pag-asa?" yun lang ang naintindihan ko e.

"Oo. Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration." sabi nya.

Mr. Lady Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon