Chapter 11: The Deal
Acle's POV
Umuwi na kami ni Angel pagkatapos iannounce na suspended ang klase. Ang lakas ng ulan ngayon. Haay.
Habang naglalakad kami sa corridor, nakasalubong namin si Enrick.
"Oh kamusta? Pauwi na ba kayo?" -Enrick.
"Ahh. Oo. Pauwi na kami. Ikaw? 'Di ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya.
"Ahh. Maya-maya na siguro. By the way, what happened to your interview with Marx?"
"Sobrang unexpected na matino niyang sinagot ang questions ko. Nakakapanibago, haha!"
"Talaga? We can call it a miracle! Bihira lang siya magpa-interview eh. Kadalasan, pa 'pag magpapa-interview s'ya, ang mga sinasagot n'ya lang ay... "Bakit mo itinatanong 'yan?", "Walang k'wenta kang kausap", "You needed to buy some common sense!" ---'Yan. Ganyan 'yung mga isinasagot n'ya, kaya kadalasan, hindi na nag-a-attempt 'yung iba haha! Congrats, Althea!"
Natawa naman kami ni Angel sa sinabi ni Enrick. Pero bakit kaya iba s'ya sa akin kanina? Hindi kaya... may binabalak na naman siyang masama? Tsk.
"Talaga? Hala Enrick! Baka..."
"Baka ano?"
"Baka nilalagnat 'yun."Pagsingit ni Angel.
"Hahahaha! Baka nga?" -Enrick
"Enrick, hindi kaya nalaman n'yang... mamamatay na s'ya? Kaya nagpapakabait siya ngayon?" sagot ko naman.
"Hahahaha! You two are so funny! Pero seriously, bihirang mangyari 'yan kaya s'werte ka!"
"Nakakapagtaka naman kasi talaga ang biglang pagbait ng turing niya sa akin. He even said sorry to me! Imagine, Marx Ramirez? Saying sorry to me? That's undeniably insane, right?"
"Ta-talaga?!" nagulat silang dalawa sa sinabi ko. Tumango ako.
"Alam mo, Althea, we've been friends since preschool but I've never heard him say sorry," seryosong sabi ni Enrick.
"Eh?"
"Oo. Ewan ko kung anong himala ang nangyari sa tropa kong 'yun."
"Wow. So, I guess it's really a miracle, huh? Just like my name, haha! Kaso biglang tumunog ang bell at hindi ko naitanong ang last question ko para sa kanya," I sighed.
"Ano ba dapat 'yung itatanong mo pa?"
"Hmm... I wanted to ask if he has a girlfriend or something like that. Since I was asked to focus my feature article on his controversial love life daw na kahit ako ay wala namang pake."
"Well, I can answer that for you. Si Marx kasi, hindi s'ya tulad ng ibang lalaking mabilis maakit sa mga babae. He's the choosiest person I know. That's partly the reason why he doesn't have a girlfriend up until now. You know what I mean, right? He's irritated with just everybody, but like other guys, I can say that he prefers a beautiful/smart/sexy/athletic type of a woman. Ayaw niya sa maarte, OA, at higit sa lahat, sa..." napatigil siya sa pagsasalita.
"At higit sa lahat?" parehas kaming nag-aabang ni Angel sa susunod niyang sasabihin.
"A-ano... He hates... hmmm..."
"Hmm?"
"He hates not-so-pretty girls the most."
In short, ayaw niya sa pangit.
Teka? Pangit ba kamo? =___=
"Ahh... haha! Ikaw naman, no need to mention! That's too obvious!" napakamot ako sa ulo. Jusmeyomarimar, ano pa bang aasahan sa isang gaya niya?
BINABASA MO ANG
Mr. Lady Fell in Love
RomanceNBSB na nga, napagkamalan pang tomboy? Aw. Saklap, 'di ba? Paano kaya kung ang babaeng siga maglakad, astig pumorma, at cool kasama ay ma-in love sa isang... Mayaman, mayabang, matalino at g'wapong nilalang? Find out how Mr. Lady turns into a REAL L...