Chapter 43: Operation: Spot the Liar

784 23 2
                                    

Chapter 43: Operation: Spot the Liar


Acle's POV


Malapit na ang new year. So it means.. may Year-end party kami sa bahay. Sayang, mom, dad and kuya Isaiah head back to abroad na. Haay.


"Lesbi ko.. samahan mo ako mamaya ha?" si Marx na nagpapacute na naman. Tss. Di sya cute, gwapo sya e. Huhu.


"Saan ba?" tanong ko.


"Hmm.. sa sea side. ^_^"


"Anu namang gagawin natin sa sea side? May party sa bahay mamaya e." sabi ko.


"Tayong dalawa nalang muna ang magparty." sabi nya ng nakangiti.


"Pero—-"


"Susunod ka o hahalikan kita?! Ano? Mamili ka!" sigaw nya. Ayan na naman sya sa banta nya. Huhu.


"Ano kasi—-"


"Now choose!!!" nakakabingi sya sumigaw. May tumubong sungay na naman sa noo nya. Gosh. Huhu.


"Kiss nalang!" sabi ko.


"Sure ka? ^____^" aw. ang lapad ng ngiti nya. Tss. Binibiro ko lang naman sya e. Huhu.


"Binabawi ko na! Sasamahan nalang pala kita! Ayoko nyang ngiti mong yan e!" sabi ko e.


"Good dog talaga! Hahaha." sabi nya.


"-____-" ako


"Wag kang mag-alala, dadating din tayo dun." nakangiti nyang sabi.


Ako? Ganito lang naman—-> >///_///<


"Wag kang masyadong kiligin, baka maexcite ako. *smirk*" -Marx.


Aw. Ganun ba talaga ako ka-OA magblush? Ugh! Napansin nya na naman! Kaasar.


"F—feeling ka! Heh! Dyan ka na nga!" sabi ko sabay takbo.


"Hahahaha. Ang cute kiligin ng girlfriend kong tomboy. Bwahaha!" -Marx.


Aaaaargh! Yung totoo, pinaglalaruan lang ba ako ni Marx? Bakit tomboy pa rin ang tingin nya sa akin? Grabe! Di ko sya kinakaya! Grr!


Bumalik ako pagkarinig ko nung sinabi nya. Tingnan lang natin kung sino ang tomboy! Hah!


Itinaas ko yung isang manggas ng shirt ko yung parang pang siga. Tapos hinawakan ko yung kwelyo ni Marx at inilapit ko ng kaunti ang mukha ko sa kanya.


Tiningnan ko sya at..


"Baby, listen to me.. I AM NOT A LESBIAN." ngumiti ako sa kanya. As in yung pinakamaganda kong ngiti.

Mr. Lady Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon