STARS ARE BLIND
::::::::::
1
::::::::::::Pagkakataon
"Tara,inom tayo."
Napatingala ako sa taong nagsalita sa likod ko.
"Ano,close?" Irap ko. "Wag ka nga dyan? Masisira ang table ko!" Ang punyetang lalaki umupo sa mesa ko,eh kung masira dahil hindi naman matibay!
"Tara na....Di bagay sayo mag-OT."
Ayaw talagang umalis? "Humanda ka sa akin sa evaluation."
Hinalukipkipan lang ako. "Tigilan mo nga ako,wag mong ipasok sa ulo yang pagiging senior mo."
"Ano ba!" Dinuro ba naman ako sa noo,tinabig ko. "Walakampake! Umalis ka nga kasi!"
"Sir tara! Hayaan mo na yan! Maarte talaga yan!" May sumigaw.
"Sino yon?!" Tumayo talaga ako para makita pero wala akong nakitang ulo na nakalitaw.
"Kita mo? Ayaw na nila sayo.Ang sungit-sungit mo kasi."
"A-ano ba!" He dared shushing me using his kadiring index. "Pweh! Ang alat!"
"Wala pa namang sabon sa banyo...."
"Yuck...!Kadiri ka!"
"Bye~."
"Camille,gusto mo labas tayo?" Pa-sweet kong tanong sa QC engineer na nakasama ko kanina.
"Talaga ma'am?"
"Oo.KKB."
"Ay...."
Kaso pagdating sa venue ang dalagita iniwan ako sa ere.Nakakita lang ng kakilalang kaedad,na mas worth it kasama sa weekend,eh iniwan na ako.
So instead na sa japanese restaurant kami,which is treat ko naman,biro ko lang yung kanina,detour...pumasok akong bar.
Kabubukas pa lang kaya tahimik pa lang ang ambiance,sakto lang sa mood na kelangan ko.Need ko mag-unwind,magpaka-tipsy kaunti,antukin.
Ngayon lang uli kaya sa barcounter ako pumwesto.Nagpalinga-linga ako ng tingin habang hinihintay ang order ko.Nang nasa harap ko na ang tequila,nilango ko yon saka pingkasya ang sarili sa lemon.Sumenyas ako ng isa pa dahil nakuha nung couple sa sulok ang atensyon ko.Mga mukhang bata pa.
Naghahalikan sila.Laplapan talaga.
"Gosh...may pambili na kayang bigas ang mga yan?"
"Bakit bigas?"
Nabigla ako sa boses na yon at mabilis na kumabog ang dibdib ko.
"Sir." Di ko naman maikubli ang tuwa ko no? Kung iba siguro ako nagkada-utal na ako o kaya naglawa na sa laway.
As usual,ang ganda na naman ng ngiti niya.Marami kaya siyang stock niyan? Di maubos-ubos eh.Parang laging pasko sa kanila at ganyan ang ngiti niya.
BINABASA MO ANG
Stars Are Blind
ChickLitQUEENS OF STANDARDS Series 1 ::::::::::::::STARS ARE BLIND|by Robin:::::::::::: At age thirty-four,wala pa ring boyfriend si Jackie.Hinihingan na siya ng apo but all her life she just wanted to be successfully recognized in her career. Family or car...