QUEENS OF STANDARDS Series 1
STARS ARE BLIND
::::::::::
20
::::::::::Last day ends.
Nakaakap ako sa sarili ko at bumubulong-bulong ng pagkaainis habang naghihintay ako sa loob ng conference room.
"Bwisit na lalaki! Ang tagal-"
Biglang bumukas ang pinto at muntik pa akong magpa-party nang dumating na siya.
"San ka nagpunta?" Iritable niyang tanong habang isinasara patalikod ang pinto.
"Talaga nawawala pa ako niyan? Eh dadalawa lang namanang conference room dito." Irap ko.
Nasa magkabilang dulo kami ng mahabang mesa at ang ugong ng aircon ang maririnig sa gitna ng katahimikan.
"Bakit binuksan mo pa,saglit lang naman tayo dito." Sabi at tinungo ang ACU saka pinatay.
What the-! Mabilis kong napansin ang pananamit niyang hindi bet ng paningin ko. "Pwede ba tumigil ka sa kata-tuck-in mo? Feeling mo naman bagay sayo?"
Nilingon niya ako. "Dami mong alam."
I choke to laugh. "Ako ba? Baka ikaw,may conference ka pang nalalaman...."
"Ang arte mo...."
I rolled my eyes sideways. "Ang daldal mo."
Tinignan lang ako na para akong nahihibang.Pagkatapos ay sumeryoso at tumikhim.
"Anyway,yung sinabi ko kanina-"
I shot him a glare. "And why are you not taking it?"
The tension sparked.
Inilapad niya ang kanyang mga kamay sa mesa,creating a sound. "Dahil ayoko.At nakipag-usap n-"
"Iniinsulto mo ba talaga ako,Mandino?!"
"Pwede ba,Luy! Makinig ka muna!"
I shut up.Masyado siyang galit.
"Do you want your job back?" Ang tanong niya pagkatapos ng isang sandali ng katahimikan.
Of course,lumipad pabalik ang tingin ko sa kanya.Seryoso ba siya? Seryoso nga,malalim yung kunot sa noo.Binawi ko ang tingin ko at nag-iisip na sumagot. "Sino naman ang may ayaw? Ikaw lang yata eh....-" he snapped at me.
"Yes or no?"
Tumingin ako sa whiteboard sa harap ko. "Yes."
Nakarinig ako ng mahaba at mabigat na paghinga.Tinapunan ko siya ng tingin dahil don.Naabutan kong nakatingin pa rin siya sa akin pero this time ay hindi na malalim ang kunot sa kanyang noo.Nagbago na rin ang mood ko.
"Galing ako sa HO kanina,pinakiusapan ko si boss Charlie-"
"You what?!" Did I asked him that?!
BINABASA MO ANG
Stars Are Blind
ChickLitQUEENS OF STANDARDS Series 1 ::::::::::::::STARS ARE BLIND|by Robin:::::::::::: At age thirty-four,wala pa ring boyfriend si Jackie.Hinihingan na siya ng apo but all her life she just wanted to be successfully recognized in her career. Family or car...