::SAB 28::

38 3 2
                                        

QUEENS OF STANDARDS Series 1

STARS ARE BLIND

::::::::::
28
::::::::::

Ikamamatay ko ba?


Bakit ako magmumukmok?

For the sixth time I declined Mandino's call.I am decided,I am done.Aanhin ko ang good record sa trabahong hindi marunong magbigay non?

"Ma,pwede ba,pakibalik ang batang yan kung kanino nyo man kinuha." Ang agang naiinis na sabi ko sa aking ina.

Ang anak ng kung sinumang kapitbahay ay pasadya niyang inilapag sa ibabaw ng dining table para kunwari magsalin ng gatas sa may counter.

"Ang sungit naman...!"

Tumikwas ang kilay ko.

"Kung sana di maarte di sana may baby na rin kagaya mo na hmmm ang cute cute!" At pinupog ng halik ang sanggol.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ng baso.

"Kaya nagsusungit eh...walang baby.Diba? Diba?"

Isa pang higpit bago ko tuluyang binitiwan ang baso,kasabay ang pagbitiw ko rin ng damdamin. "Alam mo Ma," simula ko at bahagya akong nilingon. "Kung sana kasing-dalas ng pangungulit mong magkaron ng laman ang matres ko ang sana kasing-dalas din ng pagtatanong mo kung okay lang ako."

Patuloy lang siya sa paghehele pero alam kong nakikinig siya.

"Alam mo ba Ma na hindi ako masaya sa trabaho ko." Sumikdo ang dibdib ko.Ayoko na ngang alalahanin yon pero naman kailangan ko ring sabihin. "Alam mo ba na sa tanda kong 'to nabu-bully ako? Na sa edad kong 'to hindi pa ako nare-reward sa mga paghihirap ko.Na wala pa ring nakaka-appreciate sa akin at kayo na nandito kasama ko sa bahay na inaasahan kong pupuri...mag-aalala,magtatanong ng kung okay ba ako,kung bakit malungkot ako at kung bakit Lunes ngayon hindi ako pumasok? Kasi Ma kagaya niyo yata yung mga tao don...walang pakealam sa nararamdaman ko makuha lang ang gusto." Nag-init ang mga sulok ng mata ko pero hindi na ako iiyak.

Nang tumigil siya sa paghele ang siyang pag-ingit ng mga paa ng silya sa bigla kong pagtayo.Nasasakal na ako sa nipis ng hangin sa paligid.

"Bakit Ma,kung magkaka-apo ba kayo madadagdagan ng isang daang taon ang buhay nyo?

Kamustahin mo muna ako Ma bago ka humiling ng kung ano sa 'kin."

Saka ako mabilis na nawala.Pagpasok ko sa kwarto dumaloy ang mumunting luha sa mga pisngi ko.

Ayoko ng umiyak.Walang makaka-appreciate.Walang magtatanong ng bakit.

Buti pa nga ang mga bakla sa salon bigyan mo ng isang daang pisong tip abot 'gang langit ang papuri sayo.

Kung si Mama bigyan ko ng apo baka mamatay-matay na 'ko sa delivery room sasabihan pa 'kong maarte.

At saka,katawan ko 'to.Walang nakalagay sa batas o kahit sa bibliya na required akong mag-provide ng apo.Then ffucking relationships,ffucking men!

"Wala ka pang dyowa madam?"

"Wala." Walang-gatol kong sagot habang relax na nakapikit.

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon