::SAB 18::

32 5 0
                                    

QUEENS OF STANDARDS Series 1

STARS ARE BLIND

::::::::::
18
::::::::::

Made my pain less mourning.

Naging napakahaba ng sumunod na mga gabi para sa akin.Hindi ko alam kung paano ko patatahanin at pakikiusapan ang sarili ko sa tuwing maiiyak ako.Hindi ko alam kung paano iisipin na tapos na at may darating naman na mas magandang opportunity.

Iyon din ang paulit-ulit na sinabi ni Papa nang ipaalam ko ang nangyari.Hindi man siya nagpakita ng pagkagulat o galit pero kita sa kanyang mga mata ang pagkalungkot.

Mataas ang pride ko,ayokong kinakaawaan ako nino lalo na sila.Ayokong isipin na dahil anak nila ako ay ibig sabihin I'm always at their mercy.Pero anong magagawa ko katuwing napapatiklop ako ay nariyan sila?

Si Mama naman na naiyak na lang din ay nag-aalala kung paano na raw ako nito ngayon?

"Wag kang mag-alala dyan 'ma.Sa experience ko mas maraming kukuha sa akin." Pampalubag ko sa 'ming tatlo.

"Ibig kong sabihin Jackie,yang edad mo."

Napairap ako.

Ayan na naman sa krisis sa edad ko na parang laging may tagtuyot o kagutumang nangyayari kung banggitin niya. "Mama,mga nasa kwarenta at singkwenta lang ang mga nadi-discriminate sa lipunang 'to!"

Every night I shed tears for my lost job.Pakiramdam ko para akong nawalan ng precious possession sa buhay.

Good thing it was weekend,I was probably having depression the next days that I wanted to enclosed myself out.I shut off my cellphone,late bumangon,late kumain,halos ayoko ng kumilos at gusto ko na lang magdamdam sa sobrang panlulumo at sama ng loob.I wasn't praying though I wasn't questioning God.But came Sunday that I still don't want to leave my room.Ayokong lumabas,nahihiya ako sa mga kapitbahay though duda ako kung alam na nila.Dagdag pa,na naman,na sira ang pick-up ko na pinagmumukha lalo akong kawawa.

Tapos may manliligaw pa.

Gusto ko ngang singhalan si Mama,bakit naman ngayon pa siya tumanggap?

Sa inis ko,hindi ako nagbihis.Wala ako sa hulog mag-entertain ng bisita kaya pasensyahan kung makakapagtaray ako ngayon.

"O ba't ganyan ang bihis mo 'nak?" Si Papa nang makasalubong ko sa sala.

"Matutulog na." Simpleng sagot ko. "Nasa'n si Ronalyn?" Nang wala akong makita.

Umasim ang mukha niya. "Nandun sa likod,feeling close dun sa tao."

Umasim din ang mukha ko,at don pa talaga dinala ni Mama huh.

Lumabas ako ng bahay at tinungo ang patio sa likod.But gracious God! Malayo pa lang ako ay mukhang-mukha ko na ang lalaking kausap niya do'n.Gumapang ang matinding hiya sa akin at nagsisi na kung bakit ganito nga ang bihis ko.

Sinabi ko bang matutulog na ako?

Mabilis akong bumalik sa loob ng bahay.Nakasalubong ko ulit si papa na papasok naman sa kwarto nila.Matutulog na yata.

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon