QUEENS OF STANDARDS Series 1
STARS ARE BLIND
::::::::::
14
::::::::::Very creative.
Naligo,nagbihis at bumaba ako ng hotel.I'm wearing a two-piece under a cover-up dress,a sunglasses and sandals.Natutukso agad akong lumangoy pagkakita sa napakagandang dagat.Truly world-class.Pero dahil sa kalam ng sikmura at sipa ng hangover,kailangan kong asikasuhin muna ang sarili ko.
Ramdam ko na ang panginginig sa gutom habang hinihintay na maisilbi ang in-order ko.I was busying myself on my phone when I noticed someone sat on the chair opposite me.Naamoy ko pa ang pabango niya.
Feeling invaded of my privacy,I looked up and surprised to see who's he.
Tila pumadyak ang puso ko pero unti-unti ring nanghina na parang napagod at nainis.As self-defense,nagpatay-malisya ako,ayoko ng pangunahan ang mga bagay-bagay.Kainis lang talaga.
"Sir." I acknowledged,faking a surprise and gladness.
Nakasuot din siya ng sunglasses pero ang ngiti niyang malaki ay sapat na para sabihing masaya rin siya na makita ako.
"Hindi tayo nakapag-usap kagabi ah...mukhang nagmamadali ka eh." Umangat ang isa niyang makapal na kilay,refering to something.
My heart skipped at the memory.Oo nga eh,paasa ka kasi.I laughed,faking it good. "Sorry sir.Pasensya na,nasusuka kasi ako non.Kaya ayun...."
"Aahh...." His lips went tightly closed as he nodded his head.
Gusto ko siyang chikahin,like masurpresa na nandito rin pala siya,nag-swimming na ba siya?Ano na ang mga napuntahan niya at nagawa....Pero sa nakita ko kagabi?Nawalan ako ng gana.Nasasaktan ako,kaya wag na lang.
So I was just silently smiling there like I used to,formal and professional but fangirl no more.Hindi ko lang alam kung napansin niya dahil bigla siyang nag-alangan.
"Nakita kita,dun lang ako." Kuwa'y itinuro ang kaninang kinalalagyan. "Nagulat talaga ako kagabi nang makita kita.Remember I texted you?" He said sounds entertaining.Habang pinaiikot-ikot sa kamay ang kanyang malaking cellphone.
At nagpaka-'entertaining' naman ako. "Um." Sagot ko lang,smiling a bit.
He laughed. "Kasi aayain sana kitang mag-Bora.Ayun pala dito ka rin pupunta.Kailan ka pa rito?"
Ngumiwi ako.Pa-cute. "Kahapon lang din.We arrived eight in the evening.Ikaw sir?" Balik ko dahil kahit iniiwasan ko siya,ayoko namang maputol agad ang usapan kung ako lang ang pag-uusapan.
"Really?!" He was surprised and took off his sunglasses.Nakita ko ang namumula niyang mga mata,isa rin palang may hangover. "Nauna lang pala kami ng two hours! Sinong kasama mo then?"
Narinig ko yung 'kami'. "My team." Sagot ko,pinipilit gayahin ang sigla niya.
"Oh? Nasan sila?" Literal siyang naghanap sa ibang mesa.
Napangiwi ako.Nang-aasar ba siya? "Ayun,nasa ibang isla.Island hopping."
"Di ka sumama?" Kinunotan niya ako ng noo,nagtataka.
BINABASA MO ANG
Stars Are Blind
ChickLitQUEENS OF STANDARDS Series 1 ::::::::::::::STARS ARE BLIND|by Robin:::::::::::: At age thirty-four,wala pa ring boyfriend si Jackie.Hinihingan na siya ng apo but all her life she just wanted to be successfully recognized in her career. Family or car...