::SAB 46::

46 4 5
                                    

QUEENS OF STANDARDS Series 1

STARS ARE BLIND
#LuyEp #ArchVsEngr

::::::::::
46
::::::::::

Again,I shouldn't have lied.

Pagkatapos nang huli naming pagkikita sa turnover,after that short encounter which I couldn't stand his gaze I decided to rest my case from then.

And it was two weeks since then.Two weeks of long silence and peace,we never contacted each other so I assumed that was it. Kaya ganon na lang nang ang gulat ko na makita siyang nakatayo sa porch ng apartment ko.

Gusto kong umatras pero pinigilan ko.Things like these were inevitable,it will happen sooner or later and unfortunately mine was today.Kaya pagkatapos kong matulos ng isang sandali sa gate ay kaagad kong inihanda ang sarili ko.Kumakabog man sa kaba ang dibdib ko pero pinilit kong magpaka-pormal.Things adult should handle well,oh well.

Tumikhim ako pagkat hindi ko alam papaano kukunin ang atensyon niya na nakapako sa ibaba at tila may malalim na iniisip.Nang marinig niya ako mabilis kong inilagan ang kanyang mapag-usisang tingin.

Pero sa pahapyaw na pagkakataong yon nabigyan ko ng sapat na pansin ang malaking pagbabago sa kanya.He looked neath,his skin color recovered,he's clean shaven and had a new haircut.At sa saglit na sulyap na yon naghurumentado ang puso ko.Why he had to be this good-looking now? O ngayon ko lang napansin?

At kahit may malaki kaming distansya dahil hindi ko pa kaya ang close proximity kagaya dati,amoy na amoy ko pa rin ang kanyang cologne.And yet hapon na yon,pasado alas-sinco na.And his stance,with that white polo dress and black jeans,pinipigilan kong mapakagat-labi.

"Goodafternoon." Came his deep formal voice.Na parang bumabating dj sa radyo sa mapayapang hapon.

Ibinalik ko naman ang pagbati niya. "May...kailangan ka?" Anong tanong yan Jack? "Long time...no see?"

Nahuli niya ang tingin ko at tila napapaso naman akong umiwas at natarantang lumapit sa pintuan para buksan.Habang ramdam na ramdam ko siya sa aking likuran.

"Yeah...long time." Ang kanyang seryosong tugon.

Good gracious! Naipasok ko rin ang susi! "Pasok ka." Sa kalituhan ko nagawa ko siyang basta na lang papasukin. I even widely opened the door and held it for him.

Malamang naramdaman niya ang pagbabago ko kaya may alanganin siyang pumasok. Isasara ko na sana pero hindi ko natantya,kamuntikan ko siyang matamaan kung hindi lang niya naagapan ng kanyang kamay. "Ako na." He said and I let him.

Iniwan ko siya roon para ayusin ang sala at ipatong na rin ang mga dala ko sa center table saka ako dumeretso sa kusina.

Anong i-o-offer ko? Shouldn't I have asked first? I should.

Naabutan ko siyang nakatayo sa sala habang tahimik na inililibot ang paningin.The last time I remember he came here my walls were painted white.Ngayon ay baby pink na accentuated with white.At marami na ring frames na nakasabit including the large sketch landscape of the townhouse. At doon napako ang tingin niya.

"Uhm...is coffee okay?" I'm flustered.

Nabaling ang atensyon niya mula doon at ayun na naman ang makapigil-hiningang pagtitig niya.Na para akong bagong aparisyon na pinagmamasdang mabuti bago mawala.

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon