QUEENS OF STANDARDS Series 1
STARS ARE BLIND
::::::::::
27
::::::::::Disappointment effect?
Hindi ko alam ang feeling ng inililigtas kapag nasa puntong pabagsak na.Until now,until he came.
"Wait lang architect ha? Magpapaalam lang ako sa mga kasama ko.Ah...sumama ka na lang kaya?"
I can't fake it but I tried.Making a bitter smile out of this wonderful moment is difficult.Pero para sa taong to na lagi na nandyan na lang bigla,nagawa ko yata.
And it was the right decision I guess.Sa nangyayaring kapaitan sa akin natanggal lahat non ang aking hiya.Kung dati kimi ako at parang tangang ngumingiti sa hiya,this time I found myself bravely introducing myself.Ang nagagawa nga naman ng disappointment sa buhay ko lalo akong pinapatapang.
"Yung architect?" Turo sa akin ng gwapong kaibigan ni Sir A na natatandaan ko ay ang abugado.
"Um." Tango ng kausap na parang proud na proud lagi kapag ako ang kasama.
"Ah sabi na eh....Ikaw ah,gulat na lang kami 'kayo na'." Anito sabay sulyap ng makahulugan sa akin.
Hindi ko nakuhang kiligin,disappointment effect pa din,panliliit sa sarili.Ang hindi ko inaasahan ay ang biglang pagtawa ng katabi ko.
"Nahahalata na ba?"
Disappointment effect pa ba kung tila kumislot ang tenga ko sa sinabi niya?
"O nagulat si architect kaibigan!"
Napatingin sa akin si Sir A,malaki ang ngiti na tinaasan ako ng tingin.He's just being playful right?
Nang bigla akong akbayan. "Bagay ba kami?"
Nanlamig ang pakiramdam ko sa pagbibiro niya.Nakatingin ako sa kausap niya pero parang hindi nila ako napapansin at patuloy lang sila sa pangangantyaw sa isa't isa.Oo tama,nagkakatyawan lang sila,kaya wala lang yon.Pangarap ko lang itong si Sir A na baka sakaling magkatotoo.
Pero humigpit ang akbay niya sa balikat ko,dikit na dikit ang braso ko sa tagiliran niya at amoy na amoy namin ang isa't isa.No,biro lang 'to.
"Nanligaw ka na ba?"
I stayed still.Kung saan-saan na ako nakatingin,feeling ko magkaka-hyperventilate ako sa tagal niyag sumagot.
"Hahaha!" Bigla siyang bumitaw not until he dropped the bomb. "I'm just kidding....She has a boyfriend already...."
Sir A matagal na tayong nagkakakwentuhan at ni minsan hindi ko sinabing may dyowa ako,at natatandaan ko rin na noong pabiro kang nagtanong hindi ka makapaniwala sa isinagot ko.
So saan? Saan nanggaling itong sinabi mo?
"Okay ka lang architect?"
Okay?! Pero tumingin ako sa kanya ng kabaligtaran.Pinilit kong ngumiti,magkaharap kami ngayon sa mesang pinili niya to dine out.Lahat siya ang um-order,lahat siya ang nag-instruct sa waiter sa kung anong gusto ko dahil alam na niya.Pero bakit yata yon nakalimutan niya?
Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya.Alam kong halata pero ayoko ng kimkimin pa ang isang ito,I already had enough for this day and I want this one to slide off.
Kumunot ng bahagya ang noo niya. "Hindi ka okay eh....Bakit?"
Maang-maangan.Bumuntong-hininga ako,sinikap kong maayos para hindi naman niya isiping grabe.Tapos ay tinitigan ko siya ng maigi,kinakausap sa mata pero parang kasing plantsado ng pagkakabiro niya kanina ang mga mata nito.Para bang hindi nakaka-offend sa kanya ang sinabi kanina.Tipong sana,ibang bagay na lang ang biruan nila,hindi yung ako,hindi yung feelings ko kasi nakakainsulto.
"Sabihin mo nga,hindi mo ba talaga alam o matandaan ang sinabi ko sayo non?Na wala akong boyfriend?" Kasi sigurado akong alam niya.Alam niya.
Sumeryoso ang anyo niya.First time kong makita pero hindi ko ikinabigla dahil naubos na kanina.Now I want his explanation.Alam kong I'm getting rude but it is the way for me to understand what he did.At ang pagseryoso niyang ito ang unang paliwanag.
"Bakit,na-offend ba kita?"
My face ought to flush but I hold it.His answer appalled me first.At an instant now I believe that people can change.At an instant everything what I have known him for crumbled,piece by piece he just peeled himself off of the man I thought he is.Hindi pala siya basta-bastang mabait lang,hindi pala siya basta-bastang charming,gwapo,perfect,mabango,matalino lang.Now I'm seeing him behind those adjectives.
Disappointment effect?
Hindi ko na nahintay ang pagkain dahil sapat na ang ipinakain niya sa mukha ko,sa utak ko,sa puso ko.
Sakit.
He knew all along that I have been hiding feelings towards him.Alam niya pero pinili niyang magbiro.
Sakit.
Lesson?
Hindi lahat ng nakikita mong gwapo,matalino,mabait ay totoo.
Now I wonder kung bakit hindi siya nakapagtapos ng college,bakit parang utusan lang siya ng Lolo niya.Bakit lagi siyang nakatawa,umiinom?
People,they easily hurt others when they feel convinient about it.
Tanga ko naman kasi.
Tanga na naman ako.
Another additional sa description ko,tanga,feelingera.
Wala,wala talagang may gusto sa akin.Sa bahay,sa trabaho....
Kailangan ko na yata talaga ng reality check mula kay Ruth.
But as I was standing outside her two-storey nest,my knees were buckling.So I retreated.
Nahihiya akong makita ng mga kaibigan ko na ganito ako.So next time na lang.
:::::
BINABASA MO ANG
Stars Are Blind
ChickLitQUEENS OF STANDARDS Series 1 ::::::::::::::STARS ARE BLIND|by Robin:::::::::::: At age thirty-four,wala pa ring boyfriend si Jackie.Hinihingan na siya ng apo but all her life she just wanted to be successfully recognized in her career. Family or car...