::SAB 3::

49 8 0
                                    

STARS ARE BLIND

::::::::::
3
::::::::::

Sensitive

"Insan,uwi ka na?"

Nakatanga akong nakatingin sa kanila.Kailangan talaga buntis silang lahat?Kailangan talaga nakapila sa harap ko?Naglalakihan ang mga tiyan na magpapaalam?Kailangan talaga ipamukha?

Kung sinuman sa mga pinsan ko ang nakaisip ng kalokohang to,kakalbuhin ko pagbalik ko!

"Ate Jack o,para sa mama at papa mo."

Inabot ko ang nakasako sa maliit na mga prutas.

"Salamat,Det.Last mo na yan ah?" Hirit ko,sobrang payat na kasi kakabuntis.

"Te Jack,pagbalik mo buntis ka na rin ha?" Nakangising nang-aasar naman ni Gwen na kung anong ikinapayat nung isa ay ang ikinalaki naman niya.

"Oo,sige,kapag pumayat ka na,kasing-payat nitong si Det at kapag nakahanap na ako ng bilyonaryong pastor."

"Pastor talaga?"

"Oo.Trip ko eh."

"Suplada mo ate.Kaya ka-"

"Ano?" Nameywang ako.

Umurong ang tapang niya. "Wala."

"At kailangan ba lahat kayo iparada ang mga tiyan sa akin?Kulang na lang ng isa pwede na tayong maglaro ng volleyball,ay hindi pala pwede,kasi nalunok nyo lahat ang bola!"

Oo sobra ako,sobrang napipikon kasi ako eh.Pero alam mo yun? Imbes na rewarding na hindi nila ako sineryoso at pinagtawanan lang,na-pressure lang ako sa mga sinabi ko.

Sabi ko nga,lahat talaga may balik.

"Umuwi ka na nga!Pagbalik may kasama ka na ha!" Kaway ni uncle Dadoy.

Tae nyo,dahil ganyan kayo sa akin,hinding-hindi ko ipapakita sa inyo ang mapapangasawa ko.Hindi rin kayo invited sa kasal ko at hinding-hindi-

"Array naman Bong!" Nauntog ako sa loob ng tricycle nang mag-humps ang walangya.

"Nasaktan ka ba? Sorry ah....Na-excite kasi ako." Nahihiya niyang sabi.

"Mae-excite ka lang mananakit ka pa at sa pag-alis ko pa."

"Sorry na.Ganito na lang,di na kita sisingilin ng pamasahe."

Napaawang saglit ang bibig ko. "Bong,pag ako lagi ang sakay mo hindi ka naman talaga naniningil."

Tumawa siya. "Oo nga.Batchmates pala kasi tayo.May boyfriend ka na ba batch?"

Nagtaas ako ng kilay.Pasulyap-sulyap siya sa akin habang nagmamaneho. "Manliligaw ka?"

Syet,namula ang walangya.

Pagbaba ng tricy kumuha pa din ako pambayad at inabot sa kanya.Lalong namula.

"Kunin mo na uy.Pangkain pa 'to."

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon