QUEENS OF STANDARDS Series 1
STARS ARE BLIND
::::::::::
10
::::::::::Nice meeting you Jack.
Yumuko ako para mas makita ang mga naglalanguyan at makukulay na isda sa loob ng aquarium.
"Wala ka bang dyowa na iniintindi?" May iritasyon sa tonong tanong ko sa taong sumama sa akin dito sa FishWorld pagkatapos naming kumain.
"Ano naman yang dyowa? Ang pangit pakinggan."
Sinulyapan ko si Ulysses na nakikitingin din sa kabilang aquarium. "Dyowa...girlfriend,nobya."
Sinulyapan nya rin ako. "Alam ko...pangit kasi pakinggan.Parang bading." Sabay ngiwi na parang nandidiri.
Ang arte.Baka siya ang bading kung maka-bading dyan.I straightened. "So,wala ka ngang kasintahan na pinag-aalayan ng spare time?" Pag-uulit ko.
"Wala." He spat.Then like me he straightened his back too,that intimidating height of his. "Bakit mo ba tinatanong?Minamasama mo ba ang pagsama ko sayo?" Bumuka ang bibig ko para sumagot pero napilitan akong isara nang lunurin ako ng mga salita niya. "Like you,wala na rin akong gagawin,gusto ko rin mag-unwind.At saka bihirang mangyari to
na magkasama tayo,kaya susulitin ko na bilang magkatrabaho tayo,hindi yung lagi mo akong inaaway." At umirap pa pabalik sa aquarium.I went akimbo. "Hindi kita inaaway,at hindi away ang tawag everytime I talked to you that way."
He laughed sarcastically and did the thing I never thought he'd do at his age.Mimicking me by murmuring inaudibly.Napasinghap ako sa inasta niya.
"Grabe,napaka-isip-bata mo."
"Grabenyapakaishipbatyamo."
"Ewan ko sayo."
"Ewankoshayo!"
Hindi na ako nagsalita.Iniwan ko na lang at sa kabila ako tumingin.After almost an hour,sa cashier kami nagtagpo.And I couldn't believe that he's buying.
"Coy fish?! Ano ka,kinder?" Palatak ko paglabas namin ng shop.Di ko napigilang tumawa.
"Ha-ha." Pekeng tawa niya. "May aquarium ako sa bahay at anong masama sa coy? Madali silang alagaan." Pikong sabi sabay abot sa akin ng ipinabalot na isda.
"No thanks.Hindi ako mahilig sa fish."
"Halata naman.Hawakan mo!" Kulang na lang ihambalos sa akin. "Please?" When I was just staring at it.
Tinanggap ko,may please eh,at isa pa,magmamaneho siya,mamaya na lang ilapag.
"Sa'n bahay mo?" Tanong niya pagsakay namin sa sasakyan niya.
"Oh no,I'm not going home yet." Maarte na sabi ko,kasing arte ng hawak ko sa isda niya.
"Magsi-six na ma'am." Ngawa niya pagsipat ng relo.
Ayan na naman ang ma'am nya.I pivoted with a sudden dahilan para yumukyok ang lamang tubig ng plastic na hawak ko.Nakita niya ang nangyari at magagalit sana pero tiniim na lang ang mga labi.

BINABASA MO ANG
Stars Are Blind
ChickLitQUEENS OF STANDARDS Series 1 ::::::::::::::STARS ARE BLIND|by Robin:::::::::::: At age thirty-four,wala pa ring boyfriend si Jackie.Hinihingan na siya ng apo but all her life she just wanted to be successfully recognized in her career. Family or car...