::Stars Are Blind (SAB)::

149 7 1
                                    

:::::::::::::::::::
STARS ARE BLIND
::::::::::::::::::::::::

Napapikit ako ng mariin at the eerie thin sound of paper being folded with his sharp nails.Then stucked out his tongue to licked it.

Umangat ang isa kong kilay at nameywang sa ginawa niya.

"Dito pagagapangin ang conduits para makuha pa rin ang design na gusto mo." Ika-niya at iginuguhit ang kanyang sinasabi sa piraso ng scratch paper.

Napangiwi ako.Ka-dugyot ng lalaking 'to.Sukat dilaan,at ang hahaba pa ng kuko.

"Okay na? Pwede na ba yan?" Aniya sa akin na para namang hindi ko naman naintindihan.

Umingos ako. "Fine,engineer."

"O." Abot sa akin sa papel na dumaan sa laway at dumi niya sa kuko o kung saang basurahan niya nakuha at ginawang scratch.

Ngumiwi ako. "Eow.Galing sa laway mo." Irap ko at inilabas ang cellphone ko.

Mapakla siyang natawa. "Walang pabrika ng papel sa bibig ko."

"Wag kang pilosopo Mandino.I know." At itinapat ko ang camera sa papel para kuhaan na iyon para di ko na kailangang dalhin.

"Bahala ka." Aniya saka inipit yon sa kanyang notepad.

"Dugyot mo."

"Ouch."

"Ouch." Panggagaya ko ng may pang-aasar saka ko siya iniwan sa cubicle niya.

Pagbalik sa pwesto ko tinignan ko ang sketch niya.Inaral iyon saglit dahil hindi naman ako nakikinig kanina.Okay,I thought nang makitang tumumbok pa rin naman ang direksyon ng wiring sa disenyo ng arkitekto ko.

Tumayo na ako bitbit ang hardhat kong lumabas ng opisina para tumungo sa site para sa walk-tru.

Nahihiya pa ako ng sobra nang malaman ko sa QC engineer na kasama na naman sa walk-thru ang apo ng kliyente namin.

"Ar. Luy,goodafternoon."

Bati lang yon pero pinalutang na ako sa sobrang kilig at isinayaw-sayaw ng kanyang napakainam na ngiti ang aking inosenteng puso.

Ang gwapo! Ang yummy!

"Goodafternoon,sir." Sagot ko naman na may kapantay na ngiti with nagbabagang mga pisngi.

Na-imagine kong nagkamay kami at muli kong naramdaman ang kanyang malambot na palad sa akin.

Si Sir Aaron Griego ay laging nasa site,sa ganitong pag-iikot,nag-i-inspect at nakiki-meeting.Balita ko ay siya raw ang ginawang representative ng kanyang lolo sa tinatayong casino.Ang lalaking ito ay pangarap ninuman,artistahin frend,kalaway-laway.Kakapanliit kayang tumabi man lang sa kanya pero know what? Kahit langit at lupa ang pagitan namin,at least sa edad pinagtagpo naman kami.May pag-asa diba?

I tucked the loose hair behind my ear.Maigsi ang buhok ko pero feeling ko ang haba-haba nito,sa haba sobrang kintab na nga ng nilalakaran niya.

"So ito yung naiwan nating problema last walk-thru,right?" Aniya sa aming nakapaligid sa kanya.Ako sa side ng designer,naroon din construction superintendent ng contractor,project manager ng management at mga subcontractors.Anyway he's referring to the unfinished drywall in a unit dahil sa komplikadong abang ng electrical pipe at water pipe.And it's on us.

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon