::SAB 24::

36 5 0
                                    

QUEENS OF STANDARDS Series 1

STARS ARE BLIND

::::::::::
24
::::::::::

And you're not even sorry.

Okay....Ganon na nga.

He continued doing his job and his feeding program,while I did mine too.Hindi naman to competition,pero parang ganon na rin.Ipapakita ko sa kanya kung anong klaseng 'istrikta' at perfectionist ang tinutukoy niya.

New goal,new spot.At ramdam na ramdam ko ang mga tingin kahit hindi ako tumango para makita ang mga dumadaan sa harap ko.

Call it 'too much' but that's just the way I make my job effective.Ipapakita ko kay Ulysses.

"Aray ko! Wag kang manulak pre...!"

"Wag kang maingay maiistorbo si Ma'am."

Tumigil ako sa pagguhit at tumingala.Nanlaki ang mga mata ng mga ito at karipasan sa paglabas sa pinto.

Umani yon ng kunot-noo mula sa akin.Kung hindi ko lang nalaman na lunch break na pala malamang nasungitan ko na sila.

Tatayo na sana ako nang pumasok si Mae.

"Sama daw po kayo,kakain po tayo sa labas."

I took my mug.May hinala na ako pero gusto ko lang makumpirma. "Treat nino?"

Ngumiwi muna siya bago sumagot. "Engineer."

When they say 'Engineer' they're refering to him,Mandino.Daig pa ang nagka-epic role sa pelikula at na-deserve niya ang capital E,parang pinagkaiba lang ng 'god' sa 'God'.

"No,thanks.I can pay my own meal." I said,patama sa kanya.

Naumid nito ang dila at ngingisi-ngising umalis.

Pagsara ng pinto naiinis akong tumayo.Bwisit.

Dala ang mug at baon ko,palabas na rin sana ako nang mamataan ko ang nasa dulo.Still working on her computer,si Joan.

Kahit naman pala paano,may natitira pang propesyunal.

I was busy stabbing my food with my right hand and scrolling Facebook with my left when the door opened.Kanina pa may labas-masok doon pero hindi ko pinapansin,but this one took my attention.

"Galit ka pa ba? Tara kain tayo sa labas." Aniya na parang mag-bestfriend daw kami.

Sumulyap lang ako. "Bulag ka? I'm already eating."

"Hindi naman.Kain ka na lang ulit."

"Mukha ba akong gutumin?"

Dinig ko ang pigil na pagtawa niya. "Sige na...'to naman.Kakain lang sa labas.Sagot ko naman."

Inilapag ko ang kutsarang hawak ko at tumingin sa kanya. "Ginagalit mo ba talaga ako?"

"Hindi."

Hindi pero naiinis na naman ako.Pairap ko siyang iniwasan.

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon