::SAB 34::

46 5 4
                                    

QUEENS OF STANDARDS Series 1

STARS ARE BLIND

::::::::::
34
::::::::::


I don't deserve to be there.

"Luy,bakit-"

Bumaon ang takong ko sa pag-ikot sa kanya. "Alam mo kung ayaw mo ng trabahong ibinibigay sayo ipamigay mo.Hindi yung tinatanggihan mo,sinasayang mo." Mahinang angil ko dahil kahit nagdurubdob sa galit ang dibdib ko ay aware pa rin naman ako kung nasaan kami.

Of course hindi niya ako naiintindihan,as always the innocent,the decent Mandino. "Ang ano? Ang alin?" Ikaniyang hirap niyang maunawaan,because really,hindi niya ba talaga alam? Samantalang aakusahan niya akong insecure?

"Wala.Sige,alis na 'ko."

"Ihatid na kita."

"No,thanks.Really." Sabay irap at walk-out ko.

Pero hindi ako nakalayo.

Mabilis na nanulay ang tingin ko sa kamay na humawak sa braso ko.Di ko pa nagawang magsalita dahil hinatak na niya ako.

"Halika nga." Nangigigil niya akong kinaladkad.

Nag-unahan sa pagsabog ang nerbyos at galit kong pumalag. "Walangya ka,bitiwan mo nga 'ko!"

Hindi niya ginawa at pinagbuksan ako ng pintuan sa harap ng sasakyan niya. "Sumakay ka,mag-uusap tayo."

Pumiksi ako at sinubukan siyang sikuhin pero pumirmi lamang lalo ang kamay niya. "Bitiwan mo 'ko!"

"Palagi na lang ganito."

"Biti-" natigilan ako nang tila may iba siyang kausap.

"Misis ko sir,missi ko." Nagmamadaling sabi niya sa matandang lalaking seryosong nakatingin sa amin.Malaki ang katawan nito,kung tama ako ay isa itong sundalo kaya malakas ang loob.

Wala naman akong balak pumalag dahil nakaramdam ako ng hiya,lalo nang bumaba ang tingin nito sa akin.Binabasa sa mukha ko ang katotohanan sa sinabi ni Ulep,wala sa sariling tumango ako.Nakakahiya na kami.

Nang makatiyak ang matanda at pumasok na sa loob ng fastfood hindi na ako nakipagbunuan pa kay Mandino dahil iyong gwardya naman ang nakatingin.Sumunod na lang ako sa agos at sumampa na nga sa loob ng sasakyan.Mabilis iyong isinara ng walangya at umikot sa kabila.Pagsakay nag-lock ito kaagad at saka bumaling sa akin.

Bumukas ang bibig ko para kastiguhin siya sa ginawa niya pero shocks! ako pa pala 'tong mabibigla.

"Hindi ka pa rin nagbabago." Tagis ang mga bagang na panimula niya that left my mouth open. "Insecure ka pa rin."

Insecure ka pa rin.

Insecure ka pa rin.

Insecure ka pa rin.

Insecure...

Nanatiling nakabukas na lang ang bibig ko sa sinabi niya.Iyong inis ko umabot na sa lalamunan ko at naging galit.Galit na galit ako na sa unang pagkakataon pinili kong manahimik.Gusto ko ng umalis.

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon