Queen of Standards Series 1
STARS ARE BLIND
::::::::::
9
::::::::::Makikinig ka ba sa akin o hindi?
Mabigat ang pakiramdam ko sa naging pag-uusap namin ni Rida,ang assigned HR officer ng Fortune City project.
Napansin kasi nito na ilang linggo nang maraming um-absent sa technical staff lalo na sa architectural.At ngayong linggo ang pinakamalala.Ang pinaka-bad news pa sa lahat,may dalawang staff ko raw ang nag-file ng resignation sa main office.Hindi naman daw tinanggap dahil hindi naman daw dumaan sa akin bilang immediate supervisor nila.But it only means the obvious,they wanted to be noticed.Kaya ako kinausap ngayon ni Rida.
Kadarating ko pa lang sa cubicle nang humahangos na dumating ang isang staff ni Rida.
"Ma'am Jack,line one po si sir Aries." Sabi na tinaguhan ko bago umalis.
Mabilis kong dinampot ang telepono at kinunekta sa linya.Wala pang isang ring nang may sumagot na lalaki,ang HR administrator ng Gazette.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakikinig ako sa mga sinasabi nito sa akin.
"See you at ten am today,a'right?"
"Yes sir." Sagot ko abot gang esophagus ang kaba.
Pagbaba ko ng telepono,nanlalamig akong napasandal sa mesa ko.Ngayon pa lang ako kinabahan ng ganito.I knew this will happen at ganito pala kapag nangyayari na nga.Hindi naman sa hindi ko ginawan ng paraan,it's just that nirerespeto ko ang aksyon ng iba kung paanong gusto kong irespeto nila ang akin,at hangga't alam kong tama ako.
Tulala pa rin ako ng sandaling yon nang dumating si Mandino.
"Okay ka lang ma'am?"
Iba ang dinig ko sa ma'am niya. "Ano ba yan?" Asik ko sa hawak niyang papel.Na-trauma ako sa nalaman ko kay Rida eh.
Instead of answering,he gave it to me.Mabagal ko iyong binuksan at mabilis na binasa.Nakahinga ako nang isa lang pala iyong vacation leave letter.
Ibinalik ko iyon sa kanya. "Anong meron?Two weeks talaga?" Ay oo nga pala,ni minsan hindi pa siya nakakapag-leave ngayong taon.
Mataman lang siyang nakatingin sa akin. "Natatae ka ba? Ba't namumutla ka?"
Mapakla akong tumawa. "Wag mo na akong subukang patawanin.Hindi mo talent."
His face lit up. "May problema ka nga.Okay ka lang?"
Napatitig ako sa kanya.Hindi ba niya alam?At may karapatan na ba siyang pagsabihan ko ng problema ko?
"Wala.Sige na,ipadala mo na yan sa office." Matamlay kong sabi nang may naisip ako. "O ako na lang pala.Pupunta rin naman ako don ngayon." Offer ko.
Kumunot ang noo niya. "Tuesday ang project meeting,ano'ng gagawin mo don?" Diskumpyadong tanong.
Umirap ako. "Bakit ba tanong ka ng tanong? Tinatanong ba kita?"
BINABASA MO ANG
Stars Are Blind
ChickLitQUEENS OF STANDARDS Series 1 ::::::::::::::STARS ARE BLIND|by Robin:::::::::::: At age thirty-four,wala pa ring boyfriend si Jackie.Hinihingan na siya ng apo but all her life she just wanted to be successfully recognized in her career. Family or car...