::SAB 38::

53 3 8
                                    

QUEENS OF STANDARDS Series 1

STARS ARE BLIND
#LuyEp

::::::::::
38
::::::::::


Beyond pissed.

Nanggigigil pa rin ako pagkahatid sa akin ni Aaron sa apartment.Lalo pa nang hindi sumasagot ang walangyang lalaking yon!

"Kanina pa kami hindi makapag-usap ng date ko.Pwede bang hinaan naman ninyo ang mga boses niyo? Hindi lang kayo ang customer dito."

Date ko?

Tama ang dinig ko,may diin eh. So anong gusto niyang sabihin? Pinagseselos niya ako ganon?

Hah.Baka siya ang nagseselos? Siya ang may gusto eh! Ako ba? Bakit kailangan niyang sabihin yon? At ano naman ngayon? Akala ko ba wala na sila? Tapos, "dyeyt kuh." I snorted and huffed.

Kaloka.

Pinilit kong itinulog ang inis ko.Sana naman bukas ni gahibla ng alaalala ay wala akong matandaan!

"Ano ba yaaaan!" Dumilat ako at bumangon.Ni wala pa ngang sampung minutong kapipikit ko may walangyang maingay sa kapit-bahay.

"Luy!"

Para akong ni-recline na upuan na napatuwid ng upo.Ako ba?

"Luuuuuy!"

Ulep?!

Yung pinto ko! Magigiba na ng walangya!

Tama ang malakas na hinala ko pagbukas ko ng pinto.Lasing nga ang lalaki at nakabonete't jacket!

"A-anong nangyari sayo?" Unang mga salitang nabanggit ko sa pagkabigla.

Nanatili siyang nakatungo nang bigla na lang sumalampak sa paanan ko.Wala akong nagawa nang okupahin niya ang pintuan,isinandal ang likod sa hamba at inunat ang katawan hanggang sa tumukod ang isang paa sa kabilang hamba.

Maliwanag ang ilaw sa porch at sa sala na tumatama sa mukha niya kaya nakikita ko ang tila pagod o tila pagkatalo sa anyo niya.His brows deeply knitted like he was aching to something.

"Okay ka lang?" Di napigilan ng inis at bwisit ko sa kanya ang mag-alala.Bahagya pa akong yumukod para marinig niya.

Tumuwid ako nang marahan siyang dumilat at hinanap ang aking paningin.I see hurt in those black eyes.Automatically my defense cladded me when they became intense.

"Anong nangyari-"

"May linggo na akong naghihintay pero hindi mo man lang ako sinabihan." He said in his baritone.May narinig din akong tila pagbabanta ng galit.

He doesn't make sense. "Sinabihan ng ano?" Tanong ko.

Naamoy ko ang alak mula sa kanya pero hindi naman siya mukhang lasing na lasing sa akin para pagdudahan ang sanity niya.Mas higit na seryoso pa nga siya kumpara sa matinong siya,actually first time ko siyang makita na ganito kaseryoso at galit.Iyong uri ng galit na kailangan ng atensyon.

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon