::SAB 11::

33 5 0
                                    

QUEENS OF STANDARDS Series 1

STARS ARE BLIND

::::::::::
11
::::::::::


Maghintay kayo!

Napabuntong-hininga ako at tamad na tumingin sa katabi habang pinapaypayan ng mahina ang sarili.

Isa pang buntong-hininga.

Linggo at araw ng samba,araw ng pamamahinga sana pero hindi para kay mama.Kay mama na simula nang magbaba ako ng standards,aba nagdoble-kayod na maabot yon sa lalong madaling panahon.

"Peace be with you."

"Piswityu." Aniko sabay banat ng ngiti para kay attorney Gab na sadyang itinabi sa akin ni mama pagpasok namin ng simbahan.

Okay sana ito eh,kaso masyadong mahiyain para sa akin.Ayan o,pulang-pula,mabuti nga hindi pa nauutal.Points nya may hitsura talaga at may magandang buhay.Attitude? Wala akong ma-sense,ayun kung tahimik,napakatahimik.At mukhang madasalin dahil the entire mass,napakaseryoso nitong nakikinig at aktibong nakikipag-participate sa seremonya.Ako? Nakikinig ako noh,di porque buong misa aware ako sa presensya nito ay hindi na ako sumasamba.

Ibinaba ko ang luhuran at lumuhod saka ako nakapikit na nanalangin.Naramdaman ko na gayundin ang ginawa ng katabi ko.Lord,naiirita na ako.

"Ah...sama ho kayo sa amin tito tita." Nahihiyang aya nito paglabas namin ng simbahan.Yes,he's with his family too and he introduced me formally to them as if we weren't already neighbors.

Napatingin ako sa sasakyan nito,malaki,pero kung kaming lahat don kasama ang matabang nanay nito,no thank you na lang.

"Magta-tricycle na lang kami." Wagas ang ngiting sabi ni mama sabay hatak sa braso ko. "Bakit kasi ngayon ka pa nasiraan ng sasakyan eh.Hala dun ka sa harap!"

"Mama!" Imagine ang inis ko nang itulak ako pauna sa sasakyan ni Atty. Gab.

"Uh...shotgun?" Napilitang alok naman nito tuloy sa akin sa halip na ang may saklay na kapatid sa harapan.Of course,gets ko naman siya,kailangan niyang magpa-impress.Pero kailangan namang gawin ang tama.

"Uy next time.Sa likod na lang ako,dyan na lang ang kapatid mo." Sabi ko na halatang nasurpresa at kuwa'y nahiya nang maisip ang sinabi ko.

"Ah,oo,oo naman.Si Michael sa harap.Sa likod ka muna,pasensya na."

"Hindi,ayos lang.So sa likod na 'ko ha?" Pinilit kong maging masaya at excited,maraming nakatingin.Mahirap naman kung ngayon ko ipapahiya si attorney.

Hanggang sa fastfood,si mama,kuntodo sa pagma-matchmaking.Sinadya pang ayusin at pagtabihin ng sobrang dikit ang uupuan namin ni attorney.Sa inis ko natarayan ko tuloy.Pero balewala lang dito magawa lang ang gusto.

"Ma naman wag naman ganon...!Kulang na lang ibugaw nyo ko eh!" Sawata ko pagdating namin sa bahay.

Masaya si mama kanina sa mga pinaggagawa nito.Kaya nang masabi ko yon,kaagad na gusto kong bawiin.Nakonsensya ako nang tila kandilang naapula ko ang saya nito. "Anong sinabi mo? Bugaw?! Bakit ko gagawin yon sayo? Yon ba ang tingin mo sa ginagawa ko?! Napakasakit mo magsalita Jackielyn!"
Sabay walk-out at balibag sa pinto ng kanilang kwarto.

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon