QUEENS OF STANDARDS Series 1
STARS ARE BLIND
::::::::::
30
::::::::::
I don't look enough.
Paano mo masasabing nakalimutan mo na ang mga bagay na naikukwento mo ulit?I mean that was already two days ago.Hindi ko makakalimutan na nangyari sa akin ang ginawa ni Mandino but I'm letting it pass.Hayaan na.
Naisip ko,kawawa naman si ate kung gagalingan ko pa,ano na lang ang matitira sa kanya? Ni hindi ko nga crush ang lalaking yon.
Pasado alas-dos ng madaling araw nang may naririnig akong kumakatok sa ibaba.Parang tumatambol,in rythm.Tatlong katok tapos titigil,tapos kakatok muli ng dalawa tapos isa tapos ganon ulit.
Mababaw lamang ako matulog kaya nauulinigan ko agad ang anumang maliliit na ingay.Naisip kong sa kapit-bahay pero nang sumilip ako sa bintana,may naaninag akong bulto sa harap ng pinto ko.Maliban sa naka-side nalulukuban ng grey hoodie ang mukha niya kaya hindi ko ma-sino.But at his stance may feeling akong kilala ko siya.At kayma-madaling-araw nasisira ang tulog ko.
Kinuha ko ang balabal ko at lumabas ng kwarto.
Binuksan ko ang pinto at ang kamay na sana ay ipangkakatok pa niya ay nalaglag na lang saka siya napatingin sa akin.
Sa kilos at anyo niya,isama pa ang naaamoy kong amoy niya,confirmed na lasing siya.But he had guts to smile at me.Iyong maganda niyang ngipin ay ipinakita niyang buo na para bang umaga na at maganda ang gising niya.
Humalukipkip ako. "Yes,Mandino." Lumipad ang antok ko sa sandaling naistorbo ito at napalitan ngayon ng kay-agang pagkainis.
Sa tulong ng ilaw nakikita ko ang pagod at pilit na nagpapakasiglang mukha niya.Napansin ko rin na mas may dating pala siya kapag ganito ang outfit.Naka-hoodie at puting t-shirt sa loob na hindi naka-tuck-in sa cargo shorts niya.At naka-tsinelas lang.Nakapambahay si Mayor,walang pabinyag.
"Goodevening,Luy." Bati niya sa wagas na ngiti pero pumupungay naman ang mga mata.
"Yes,Mandino." Pag-uulit ko naman.Tumawa siya.Lasing nga talaga.
"Pwede ba tayong mag-usap ngayon?"
Inawangan ko sandali ng labi. "Tinatanong mo talaga ako kung pwede?" Mabait naman siyang tumango-tango, "kung sabihin kong hindi pwede? At bakit hindi kaninang maaga kung kailang hindi ka lasing at dilat na dilat pa 'ko? Hind-"
Inangatan niya ako ng kamay saka dinala sa mga labi ang hintuturo. "Ssshh.Believe me I did." He said very seriously and looked into my eyes.
Ibinigay ko naman sa kanya ang gusto niya at nanahimik ako.
"Sa sobrang hiya ko hindi ako makalapit sa bahay mo.Dyan lang ako sa tapat ng bahay mo." Sabi at itinuro pa ang kalsada kung saan hindi ko maalalang may nakita akong sasakyan kaninang may liwanag pa.Nasa loob lang naman ako maghapon.
"Kaya ngayon ka lumapit kung kailan nakainom ka?" Mapait kong sabi dahil isa sa mga ayaw ko ay ang nakikipag-usap sa mga lasing.
Tumawa siya at nailing. "Pampalakas-loob lang...."
Hindi na ako nakipag-argumento pa at tinumbok na ang dapat tumbukin nang makabalik na sa pagtulog. "So ano ngang ipinunta mo rito? Bilisan mo matutulog pa ako."
BINABASA MO ANG
Stars Are Blind
ChickLitQUEENS OF STANDARDS Series 1 ::::::::::::::STARS ARE BLIND|by Robin:::::::::::: At age thirty-four,wala pa ring boyfriend si Jackie.Hinihingan na siya ng apo but all her life she just wanted to be successfully recognized in her career. Family or car...
