::SAB 5::

47 7 0
                                    

Queen of Standards Series 1

STARS ARE BLIND

::::::::::
5
::::::::::


Sign

Palipat-lipat ako ng channel hanggang sa nahagip ko ang isang teleserye kung saan maganda ang tindig ng bidang lalaki.

I don't usually lay over on teledramas but his looks fed my thinking.

Naka-leather jacket siyang itim na nagpalitaw ng kanyang kakisigan.Napaka-gwapo nito sa porma,lalaking-lalaki,dahil sa jacket na yon o sadyang makisig lang ang actor na ito.

"...Cardo na pala." Si papa na naramdaman kong tumabi sa akin sa sofa. "Titig na titig ka 'nak." May patudyo niyanh sabi,lagi naman basta lalaki,trying to coax me every step of the way.

"May hitsura pala ang Coco Martin na yan sa itim na jacket...." Wala sa sariling namitawi ko habang tutok na tutok sa bawt kilos ng bida.I wanna see his butt.

"Ei...gwapo naman talaga ang artistang yan.Ganyan ba type mo 'nak?Ha?" Binubunggo ako ng balikat niya dahilan para mawala ako sa konsentrasyon.

"Tulog na 'ko pa." Anikong seryosong nakatingin sa kanyang pagod na mga mata,those eyes that were always trying to be happy.Mga mata na alam kong palaging may gustong sabihin at hindi lang magawa dahil inuuunawa ako.And as compensation to that unconditional love,I aimed to mean it,to tell him probably the most good news he'll hear from me so far. "Hayaan mo 'pa,hindi man artistahin ang mamanugangin niyo pero kasing-buti mo naman." I said.

I said that its all what it takes to see him this damn happy.

Lagi ko kasing sinasabi sa kanila ni mama na mas gwapo pa kaninong artista ang gusto kong mapangasawa,kung hindi wag na lang.Kaya isang araw,tumigil na lang si papa sa kakabanggit sa abugadong anak ng kapitbahay namin.

Kinabukasan,si mama ang naghanda ng almusal ko.

....

"Bakit may zocallo to?"

"Ma'am? Diba sabi niyo po lagyan?" Ang parang mababaliw na sagot ng junior.

Binulugan ko ng mariin ang tinutukoy ko saka itinuro gamit ang dulo ng aking signpen ang actual photo ng installation area.Saka ko siya tinignan. "Nakaabang na ang electrical,anong gusto mong mangyari?" Aniko,hinahamon siyang magpaliwanag,sa halip he just pursed his lips like a kid.

"Pero ma'am kasi-"

"Kasi?" Inangatan ko ng kilay.

Wala itong sinabi at bagsak ang balikat na umalis para i-revise ang ginawa.

Kids these days,akala nila alam na nila lahat ang tama.

Gaya nitong design ni Mae,ano ba 'to,hindi na nag-improve!

"Mae-"

"Ano na naman 'to? Will you make up your mind?"

Umikot ang paningin ko sa hindi kaaya-ayang view na lumutang bigla sa harap ko.

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon