QUEENS OF STANDARDS Series 1
STARS ARE BLIND
::::::::::
22
::::::::::Red for my comeback.
Ikaw,gusto mo bang ligawan kita?
Hindi ko mapigilan.Para akong kinikiliti sa loob at gusto kong sumigaw,tumili...
"Iiiighhhhhhh!" I squirmed.Ang landi ko!
Kaliligo ko lang at nakaharap ako sa salamin.Mayang ten ay may job interview ako.Feeling ko,para akong lulutang mamaya.Nakoooo...wag naman sana.
Shit ka sir A! Shiit!
"Jackie!"
Mama growled outside.
I rolled my eyes to the side.Ngayon naman,si Mama na ang kontrabida.Hindi pa niya kasi alam ang sinabi ni Sir A.Ipaalam ko ba?
Pinanigkit ko ang mga mata ko.
"Ma." Bukas ko sa pinto.Nagsusuklay ako sa likod.
"May bisita ka." She said and rolled her eyes to the side sabay layas.
Galing Ma.Ikaw na.
'nyways...bisita?
Di kaya....
Mandino.
"Anong ginagawa mo dito?" Ito talaga ang unang tanong ko pagdating ko sa sala at naabutan ko siyang hinahatiran ng kape ni Papa.
The big guy in his oh-so-boring polo and jeans stood up to greet me. "Goodmorning." Anitong nagpapaalala.
"'Nak." Sipat ni Papa na'ng tignan ko ay may kakaibang ngisi at tinanguhan pa ako na parang sinasabi na bahala na ako.
Ay,ayos to.
Inismiran ko siya.Ayaw ko nga kay Mandino eh.May Sir A na akong hinihintay.
Umalis na si Papa at iniwan kami ng bisita ko. "Maupo ka." Giya ko and he did so without second thought. "So?" Pagkaupo ko sa tapat niya.
Tinignan niya lang ako bago ngumingising humigop ng kape.I am not so liking this. "Nag-resign na ako.Anong kailangan mo? Pwede ka naman sanang tumawag kung may mga tanong ka sa turn-over ko."
Inilingan niya ako at pinagmasdan.I know I look so good.But his stare is too much parang gusto akong patayin. "Ano,may utang ba ako sa canteen na hindi ko nabayaran?"
Bumuntong-hininga siya. "Kung hindi ka papasok ngayon,pumasok ka na sa Lunes.Ayokong natatambak sa akin ang trabaho." Sabi at uminom muli sa kanyang kape.
Ipiniling ko ang aking ulo para pagmasdan siya.Baliw ba 'tong kausap ko? "Anong pumasok? Nag-resign-"
Bigla itong tumayo. "Hindi ipinasa ni Weng ang resignation mo."
"Ano?!" Tumayo rin ako.
Suddenly,para na naman kaming nasa office at nagsasagutan.
"Ba't hindi ipinasa?" Pinameywangan ko siya.
BINABASA MO ANG
Stars Are Blind
ChickLitQUEENS OF STANDARDS Series 1 ::::::::::::::STARS ARE BLIND|by Robin:::::::::::: At age thirty-four,wala pa ring boyfriend si Jackie.Hinihingan na siya ng apo but all her life she just wanted to be successfully recognized in her career. Family or car...