QUEENS OF STANDARDS Series 1
STARS ARE BLIND
#LuyEp
#ArchVsEngr::::::::::
42
::::::::::I went too far.
Napakislot ako nang makita ang pangalan ni Mandino sa screen ng cellphone ko.He's calling.Malalim akong huminga bago iyon sinagot.Alas-tres iyon ng umaga at bakit siya tumatawag? Naaalala ko na naman sila ni Gumabao.
"Yes,Mandino?" I bit my lip from jumping on to sudden asking.
"Nagsabi ba sayo si Arkin na hindi siya papasok ngayon?" Seryosong dating niya.
Kumunot ang noo ko.For I myself was also wondering where are the boys. "Wala naman.Hindi ba pumasok?" Balik ko.
"Hindi nga eh.Sayo?"
Napatingin ako sa pang-huling klase ko.And for a while we forgot our differences for the matter. "Hindi rin.Kahit si Marcos?"
"Si Nes?"
Nagkasabay kami sa huli. Nauna siyang tumahimik. "Si Marcos hindi rin.Ano bang nangyayari sa kanila?"
Marahas siyang bumuntong-hininga. "You tell me.May ginawa ka na naman-"
"Excuse me?" Putol ko agad at iyong diplomasyahan kanina ay lumipad na sa bintana. "Pinagbibintangan mo 'ko?" Isang estudyante ko ang napasulyap sa aking gawi.
Ilang mabibigat pang paghinga ang narinig ko bago siya pasigaw na sumagot. "Malay ko Luy! Alam mong sa 'ting dalawa ikaw lang ang may kayang gumawa non!"
Napaamang ako. For a short moment I was lost with words and when I was about to give my comeback he hanged up.
Great!
Lumabas ako ng classroom at tinawagan ng tinawagan ang mga numero sa contacts ko pero ni isa sa tatlo ang sumagot.
Where are you two? We need you at the site.And you have classes.What's happening? Text ko sa kanila pero walang nag-reply.
My frustrations and anger grew.Ayokong makita ang pagmumukha ni Mandino but for goodness' sake I need site reports! Call me obsess,OC or whatever but I want my updates regularly!
Magpakita lang ang tatlong yon pagbubuhul-buhulin ko sila sa puno ng Mangga!
Dahil pagkatapos ng huling klase ko the following day pumunta akong site dahil obviously ayaw akong bigyan ng update ni Mandino.
Pagdating ko don nalula ako sa massiveness nang building.Parang first time kong muli na tumapak sa isang construction site and there was a feeling of nostalgia.
Nababakuran ng yero ang perimeter at may sari-saring safety warnings na nakadikit.May humarang sa akin na lalaking naka-navy blue t-shirt na may nakatatak na 'utility'. Sino daw ako at ano ang kailangan ko.
Ipinakita ko na lang ang ID ko at sinabi ang sadya ko.Tumango naman at maya ay may kausap na sa cellphone.Kutob kong si Mandino yon dahil sa paggamit nito ng sangkatutak na paggalang.
BINABASA MO ANG
Stars Are Blind
Romanzi rosa / ChickLitQUEENS OF STANDARDS Series 1 ::::::::::::::STARS ARE BLIND|by Robin:::::::::::: At age thirty-four,wala pa ring boyfriend si Jackie.Hinihingan na siya ng apo but all her life she just wanted to be successfully recognized in her career. Family or car...