::SAB 41::

26 7 8
                                    

QUEENS OF STANDARDS Series 1

STARS ARE BLIND
#LuyEp
#CharacterComeback

::::::::::
41
::::::::::


What is she doing there?!

Hindi makatingin ng diretso sa akin si Marcos.Oo o hindi lang ang tanong pero hindi makasagot.

"Ganito po kasi-"

"Did you or did you not?"

Nagmadali sa pagsasalita ang bata. "Architect kaya nga ako nagulat nung makita ko yung perspective kasi nga halos parehos kayo ni Tito Uly.Nakita ko yung ginawa ng draftman niya sa office niya."

"There you go.'Office niya'? Anong ginagawa mo sa lugar na yon? A spy?" Really spy? I didn't know this is getting somewhat to be Mission Impossible.

Lumunok ang bata,halata ang kaba sa kanya so I squinted my eyes more. "Architect kasi," he stooped down.

A part of me fell off. "Kasi?"

"Kinukuha po kasi akong site architect ni Tito...."

It was like a punch in me. Iyon din kasi ang balak ko at nakakagigil na malamang inunahan ako ng walangya. "Pumayag ka na ba?"

Marahan itong tumango.

--

Let's compete. Seryoso ang lalaking yon.

Did he think I'm easy to compete with? Kaya lang naman niya nakuha ang electrical dahil kamag-anak.Kaya lang naman pumayag si Marcos dahil kamag-anak-ng-ex-girlfriend-kung-ex-nga-ba.

Dahil maaga sa inasahang deadline ang finalization napaaga rin ang pa-blessing ng mag-asawa sa site.Bilang principal designer ay imbitado ako at bilang naniniwala rin ako sa naturang seremonya.

Isinama ko sina Roses at Arkin bilang tinanggap kong mga apprentice for this project.

Pagdating doon,napansin ko ang pagsulyap-sulyap sa amin ng mag-among Mandino at Marcos.Mababa pa naman ang araw nang magsimula ang pa-blessing,driving away the bad sipirits and to keep the site from unexpected incidents.

Malinis at napatag na ang two-thousand five-hundred square meter na lote. Itinago ko ang pagka-impress kay Mandino nang makita ang mga naglalakihang equipments sa katapat na bakanteng lote,sa kanya kaya lahat yan? Also,I'm wondering kung magkano kayang narentahan ng lalaki ang lupa para tayuan ng temporary facilities? At mabilis siyang gumawa huh?

Sa ginawang tent ang kaunting salu-salo.Iyong tatlong estudyante ay nag-uusap-usap,iyong mag-asawa naman ay katawanan ang pastor at kasama nito,at ako naman ay naiwan sa katahimikan kasama si Mandino.

Hindi ako gutom pagparito ko at pagkatapos ng seremonya.Kaya halos hindi ko galawin ang inilagay ko sa paper plate ko.Napansin yon ng huli nang kumuha ng salad sa buffet.

"Busog ka na?"

Umirap ako,di niya nakita dahil nakatalikod sa akin. "Di lang ako gutom."

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon