::SAB 2::

61 5 0
                                    

STARS ARE BLIND

::::::::::
2
::::::::::

Standards

"...sabado ngayon at november one naman sa lunes.Wala kang pasok,o anong gagawin mo?" Palatak ni mama habang naghahagod ako ng peanut butter sa tinapay pang-agahan.

Pero sa maagang pasabog ng bibig niya,mukhang pati ang mga salita niya ay aalmusalin ko na rin.

"Matutulog." Antok kong sagot.

"Na naman?!"

"Ma,bibig mo,pakihinaan naman!" Malakas din ang boses na sita sa kanya ni papa.

Magkakaharap kami sa parihaba naming mesa na sa araw-araw ay kaming tatlo lang ang gumagamit.Buhay ang tv sa sala at dinig ang pang-umagang palabas pero wala namang nanonood,pampaingay lang ba.

"Tumataba ka na nga sa kakatulog mo,Jackilyn,tulog na naman?!"

"Maryosep mama...puyat eh! Yaan mong matulog!"

"Ayun pa!" Pinandilatan ko si papa. "Bakit late ka umuwi kagabi?! Wala ka namang dyowa para pagpuyatan!"

"Sa madaling sabi 'nak,san ka ba galing?" Si papa,halatang nagtitimpi lang.

Hindi ko naisubo ang tinapay.Hindi rin yata kasi ako makakasagot.Syet,kung alam lang nila. "Ha habawo...Otyih." Sagot ko pagkatapos sumubo saka nagpagpag ng kamay.

"Ano?!"

Sus si mama...grabe na talaga ang pagka.

"Sa trabaho OT!" Makaalis na nga.

"San ka pupunta?! Wala kang pasok dalawin mo naman ang lolo mo!"

"Ma,wala na si lolo sa kanila.Nasa sementeryo na! Ano ba!"

"O,eh,di sa sementeryo! Araw ng patay nga diba?!"

Syet.Oo nga pala.

Araw ng patay,araw na naman ng katotohanan.

"Pa,bakit ako lang ang pupunta?" Nagdadabog ako dahil ako bihis na,may bag ng maliit,sila nakapambahay pa.

Bumuntong-hininga si papa at nameywang na inakbayan ako.Tapos tumingin sa labas ng bintana sa kwarto ko. "Eh,kasi 'nak,'lam mo na.Nahihiya mama mo."

"O eh di,iwan nyo.Tayo na lang.Ako naman ang mamamasahe eh...."

Marahan at pabiro niya akong binatukan. "Syempre ikaw,alangan kami pa,ikaw tong sumasahod."

Kunyari ko namang hinilot ang ulo kong tinamaan niya. "Baka sakali lang makatipid 'pa....Ano na naman ang ikahihiya niyo ni mama?"

"Apo."

Natigilan ako sa paghilot. "Apo?...As in apong apo? Ano?"

Ngumisi si papa,parang nahiya tapos nagkamot ng ulo. "Oo,apo...."

"As in grandchild?" Di ko na naisara ang bibig ko nang tumango siya.Syet,heto na naman sa isyu nila sa akin.

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon