::SAB 7::

39 7 1
                                    

Queen of Standards Series 1

STARS ARE BLIND

::::::::::
7
::::::::::


Please

The next days at work became worst.Paisa-isang nawawala ang mga tao,kung hindi absent ay nag-leave,kung hindi nag-leave ay nag-half-day.Of course,I don't have to be extra-sensitive not to know that this had to do with the past meeting.

These people are going against me without shame.

"Mae!" Tawag ko at hindi ko na kailangang ulitin sa pangatlong beses to know that she's also not present.

Napilitan akong tumayo and do the deed my own.Pinuntahan ko isa-isa ang mga in-charge para ipa-receive ang mga naaprubahan kong designs.Salamat na lang at ako ang head ng architectural kundi magmumukha naman talaga akong kawawa dahil in-absenan ako ng mga kasama kong heads.

But to my surprise na hindi ko alam kung ikatutuwa ko o ikaiinsulto,for the third day of the strike,ay tanging ang team na naman ni Mandino ang kumpleto.

May gusto ba siyang patunayan?

Inarkuhan ko siya ng kilay habang nakababa ang tingin ko sa kanya na tinitignan naman ang plano.At base sa kanyang kilos,na panaka-nakang kinakamot ang noo at ulo,he didn't liked it.

I crossed my arms against my chest. "What? Gusto mong baguhin ko? Just sign it para makaalis na ako.I still have so much to do than gathering signatures." Ang mapait kong sabi.Wala ng hiya-hiya,feel naman niya eh.Hindi pa ba obvious sa air?

Tumikhim siya tapos ay alanganing nagsalita na parang hindi sigurado kung magsasalita o pagsasalitain ko ba siya.

"Ano na Mandino,hindi lang ikaw ang busy sa araw na to." Apila ko sa kabagalan niya.

Isa pang tikhim mula dito.At promise,isa pa,ipapalunok ko ang dila niya.

"Ito kasi," but then he recovered it and looked at me with doubt.

"Ano?" I mouthed.

Bumuntong-hininga siya na parang nagsasabi na sige na nga raw bahala na kung magalit ako.

"Dito kasi sa chair's office...dito," tinuro ang bahagi sa loob ng unit kung saan ang approved design ng interior design ay iyong original plan pa rin. "Matagal nang nagawa according to the revised plan." He said with a pleasing smile dahil alam niyang mabubwisit ako.

"Kailan pa?" Ito ang lumabas sa tumitiim na nga labi ko.

Nagkamot siya ng ulo. "September pa."

Really,wala na ba talaga akong authority sa project na 'to?

"September?" Malamig kong sabi at tinanguhan niya. "Whose decision was that?" My voice started to raise and he hold up a hand to say wait.

"Teka,wag kang magalit." He started and I showed him how I do it instead.I gave him a bored look.Napilitan siyang tumayo to level our eyes. "Bago pa malagyan ng partition dyan nakaabang na kami dati.Kaya kung tatanungin mo kung kaninong desisyon,sa amin,sinunod lang namin ang original plan.Iyang dingding...." He shrugged pero ang tingin sa akin.

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon