::SAB 19::

29 3 0
                                    

QUEENS OF STANDARDS Series 1

STARS ARE BLIND

::::::::::
19
::::::::::

Iniinsulto mo ba 'ko?

Monday,nagpakatatag akong lumabas ng bahay para pumasok.May isang linggo pa naman ako bago matuluyan ang termination sa akin ng kumpanya.At hindi ko alam kung saan ko na hinugot ang lakas ng loob ko o kapal ng mukha para magpakita pagkatapos niyong nangyari.Well I guessed,sa tadyang na siguro o sa sungki ko.Ah,basta!

I wore shades to hide at least.Nagsuot din ako ng jacket na may hood kaya pagpasok ko muntik akong hindi nakilala ni manong guard.

"Ma'am ikaw pala yan.Ano pong nangyari at ganya ang suot nyo?" Natatawa niyang sabi,nakikipagbiruan.

Tumawa ako,pilit kahit nasaktan ako sa biro nyang yan. "Later manong malalaman mo bakit.Cool ka lang dyan ha? Sige pasok na ako." Sabi ko saka tuluyan ng pumasok sa loob.Cool lang siya dahil malamang maya-maya lang ay mag-a-announce na yang taga-HR.

Pagpasok ko,dahil bilang nagpa-late talaga ako,I don't mind my attitude anyway.Ano ba naman ang lubus-lubusin ko diba? You know,YOHO.You Only Hired Once sa kumpanya na 'to balita ko.

"Goodmorning ma'am Jack!" May bumati sa akin,kawawa nama siya,hindi pa niya alam.

"Morning." Mapakla kong sabi,siya yong isa sa mga mahilig magtsismis dyan kay-aga-aga.Well good news sa kanya,malaya na siyang makakapagtsismis once na wala na ako.

"Hip-hop tayo ngayon ma'am ah." Pansin nung papansin palaging gwardya pagdaan ko sa hallway.

"Oo eh.Idol ko kasi si Andrew E."

"Talaga ma'am?"

"Oo,maniwala ka...."

Nagkamot siya ng ulo.Kita mo ayaw maniwala.

Pero sa likod ng dark shades na suot ko ay ang mga matang napapansin kong nakamasid sa akin,mukhang may idea na sila.I tilt my chin up more bago ako lumiko patungo sa pwesto ko.And there I found the only person in this job that could intimidate me at the same time could understand me.

Tumigil ako at tinanggal ang aking shades.Revealing him me.Pagdating sa kanya,hindi ko na kailangang magpanggap kahit pa gustuhin ko dahil alam ko naman na basang-basa na niya ako.

" 'zup." Awtomatikong lumungkot ang sistema ko na kanina ko pa actually pinipigilan.

Nakatayo si Mandino sa tabi ng cubicle ko at nakatupi rin ang mga braso.Pero agad ang pagtuwid at pagdilim ng anyo nang makita ako.

"Mabuti naman at pumasok ka." Aniya na mukhang kanina pa naghihintay don.Isang oras lang naman akong late.

Inarkuhan ko siya ng kilay,ayoko sa tono niya.Kay-aga-aga nagsusungit siya. "Malamang professional pa rin naman ako noh." Sagot ko,nababanas.

Marahas ang buntong-hininga niya. "Anong nangyari?"

"Nangyaring ano?" Balik ko. "Problema neto...aga-aga." Bulong ko habang tinutungo ang aking mesa.Pero mukhang narinig niya ako.

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon