::SAB 37::

45 6 5
                                    

QUEENS OF STANDARDS Series 1

STARS ARE BLIND

::::::::::
37
::::::::::


Jealous much?


Heto na naman ba ako sa problemang 'to?

"Wag mong isipin ang nangyari 'nak." Sabi ni Papa paglabas namin sa kwarto ni Tita Elena sa ospital.Dumalaw na rin ako dahil talagang naging masama ang kalagayan ng matanda nang maitulak ni Mama sa sahig.

Nagkausap na rin kami ni Gab at nakahingi na ako ng dispensa na sinuklian niya ng kaparehong hiya dahil ang ina naman ang nagsimula.

"Sa mga ganitong bagay kasi ay hindi na dapat nakekealam ang mga matatanda." Dagdag ni Papa sa pananatili kong tahimik.

Ngumiti lang ako ng bahagya dahil alam niya na alam kong hindi iyon ang ibig niyang ipakahulugan sa mga sinabi niya.

Kahit anupaman,nasasaktan ako para sa kanila ni Mama.Lalo nang matanto kong dadalawa na nga sila sa bahay at ilang beses lang sa isang linggo kung dumalaw ang katulong para ipaglaba sila sa bahay ay umalis pa ako.

I felt that guilt when I woke up this morning and found them both old souls drinking coffee in the dining.Both quietly observing the lonely morning with the sunlight from the window upon their weary faces.Same old faces from so many years ago.So many years ago and yet I'm seeing the same tiredness,na para bang naghihintay nang darating na ligaya.Which led me to question myself. Am I giving enough? Have I done enough? Have I brought happiness to them? Have I been a blessing?

"Pa...." Nayakap ko na lang si Papa pagpasok namin ng sasakyan at siya ang nasa driver's seat.

Alam na ni Papa yon nang hagurin niya ang likod ko para aluin.Huminga siya ng malalim na parang humihinga ng lakas tapos ay nagsalita.

"Pagkapanganak kasi sayo ng Mama mo kailangan na rin siyang tanggalan ng obaryo noon...."

Nauwi ako sa pagsandal sa kanyang balikat at tumingin sa kanya mula sa ganong posisyon.Malaking tao si Papa na may maamong personalidad kaya kahit bigotehin at balbasarado ngayon ay hindi iyon nakabawas sa mabuti kong pagtingin sa kanya.Papa's girl kaya ako.

"Kaya kahit gustung-gusto namin na dagdagan ka pa ay hindi na pwede.Twenty-one lang siya non." Sabi pa na nginusuan ko.

"Ganon kayo kalandi non?"

"Kaw naman anak." Ikaniyang natatawa at nahihiya.

Nang may naalala ako. "Di'ba si Auntie Zen ganundin ang nangyari sa kanya?" Iyong matandang-dalagang kapatid ni Mama na tinanggalan din ng matres.

"Oo yon na nga...kaya gusto ka ng mag-asawa at magkaanak ng Mama mo kasi baka nga alam mo na...pero wag naman sana...."

Nang marinig ko yon lalo akong nahulog sa problemang 'to at napayakap ng mahigpit sa kanya.Baka naman hindi,baka naman sa side niya ako nagmana.Hindi naman siguro...pero may nararamdaman ba 'kong kakaiba sa katawan ko?

Napalunok ako sa biglang kaba nang maalala ang PMS ko at madalas na dysmenorrhea.Pero di naman siguro.Kailangan ko na bang magpatingin sa OB-Gyne? I'm thirty-four and healthy.Pero si Auntie Zen ay na-diagnose at the age of thirty.

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon