::SAB 15::

37 5 0
                                    

A'N: Stars Are Blind ranked #127,#134 to #93 in Chicklit as of December 15,2017.🍾🍺🍕🍕🍟
::::::::::::::::::

QUEENS OF STANDARDS Series 1

STARS ARE BLIND

::::::::::
15
::::::::::


Get out of my face!

Three days after the Boracay experience,things are getting better,but of course I wasn't totally hopeful for it to be permanent.I'm not being pessimistic,I just know that people cannot change that easily.Iyong kasabihan na 'ningas kugon',sa umpisa umpisa lang.

"Ma'am Jackie."

Napatango ako mula sa monitor patungo sa taong kumuha ng atensyon ko.

Ang site architect kong si Rolly.

Tinawid nito ang pwesto ko at inabot sa akin ang report nito.In-assign ko ito noong lunes na gumawa ng assessment report sa architectural kasama ang ilang kasamahan.

Binuklat ko ang folder at tinignan ang actual inspection report.At gaya ng kutob ko....

"Hundred percent na po ang basement to second floor.Third to fourth floor po ay nasa eighty at ang fifth to sixth ay-"

"-eighty." Sinabayan ko siya sa dulo,sa balanse.Konti lang yon kung tutuusin.

"Hindi pa dyan ma'am kasali ang ballroom at building two na aabot sa seventy percent ang completion." Pagpapatuloy.

"Ayos lang.Hindi pa naman yon kasama sa soft opening.Pano ka nag-assess?" Tanong ko habang sinusundan pa lang ang mga ginamit nitong legends.He used five colors to distinct the different work progress.At sa nakikita ko,napakaraming kulay dilaw at pula na nagsasabing hindi pa nagagalaw at iba sa aprubadong plano.Ang masakit pa,iyong mga hindi nagagalaw na trabaho ay iyong noong nakaraang taon pa.

Sa halip na idaan sa salita para ipaliwanag,Rolly excused himself to flip the pages for me.Ipinakita nito sa akin ang napakaraming mga larawan na kuha sa site.Ang depenisyon nito ng hindi pa tapos at wala sa plano,halos lahat ay mga trabahong tiwangwang at walang senyales ng trabaho.May napansin lang akong kakaiba sa mga pribted photos.Hindi ko na lang muna binigyang pansin.

"Ganito kalala?" Hindi ako makapaniwala.Tumango ito.Hinarap ko naman ang desk ko at kinuha sa drawer ang kaparehong site report.Iyon ay galing naman sa monthly progress report ng gencon at management na ipinasa sa amin nitong nakaraang buwan lang.Pinakalma ko ang sarili ko nang mapagkumpara ko ang mga report. Tinignan ko muli ang kaharap ko,ang sariling tao ko.Pinagmasdan at pinag-aralan,mukhang na-conscious ito sa ginawa kong pagtingin at napapayuko ng ulo.

Huminga ako ng malalim.Nakikita ko na ang magiging susunod na problema ko. "Okay.Ilipat mo sa mas maayos na plano.Make a tabulation and then your assessment.Pagkatapos bigyan mo ako ng kopya.Kaya mo ba hanggang mamayang after lunch?"

"Yes ma'am."

Ibinalik ko ang report nito para magawa na ang ipinagagawa ko.

Bumalik ako sa ginagawa ko ng may kabigatan ang loob.

"Ilang beses ba akong magpapasa ng report sayo?Last week lang nang magpasa ako."

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon