QUEENS OF STANDARDS Series 1
STARS ARE BLIND
::::::::::
31
::::::::::Just damn him!
"Marcos,Batanes." Ulit ko dahil walang sumasagot.Inulit ko pang binasa mula sa index card na hawak ko at tumingin sa ilang piraso ng mga estudyanteng nasa harap ko.
Isa sa kanila ang pamilyar na nagtaas ng kamay.Nanigkit ang aking paningin,siya yung mayabang dun sa tatlo sa bookstore.
"Dito ka sa harap.One seat apart please." I instructed and that kid sardonically smirked.
"Grade one?" He muttered.
"Yes,Mr. Marcos.Parang grade one.Now you little kid,move."
Ilan sa mga kaklase nito ang tumawa habang pinagpipyestahan siyang tignan.Mabuti at lumipat naman.
Days turned to weeks into months.Masaya ako sa ginagawa ko.Kahit nakakapagod ang full sched masaya ako dahil nagagawa ko ang gusto ko.Hindi rin naman madali at hindi rin naman kasing-hirap ng dati kong trabaho,but fulfilling.
"Mr. Marcos sigurado ka na rito?" May panghahamong tanong ko sa drawing niyang hawak ko.
The young proud man unsincerely nodded his head.
"Okay." I just said and drew the number I think he deserved.65. Seryoso akong tumingin sa kanya pagkatapos.I caught a glimpse of protest in his face before it dissolved into pretense that it was nothing. "Here." Balik ko sa plate niyang parang gawa ng batang masama ang loob.
Tahimik naman niyang tinanggap at bumalik na sa upuan.
Pinigilan kong mapabuntong-hininga at tumayo na lang. "Everybody." Tawag ko sa atensyon nila.Isa-isa namang nagsilingunan at nanahimik. "If you can't draw what you imagine,how can you build?" Sabi ko at tinignan ng diretso si Marcos na umiwas. "Show some more hardwork,it pays more that way.There is no shortcut,kahit pa may Autocad na,kahit pa may 3D modeller na...you know,being good with your own hands is like having those imaginations at your own fingertips."
Well,I just said that to make a point.As usual,no one can please everyone.Alam kong burden sa kanila ang pagguhit manually pero iyon ang totoo.Isn't it a joke to know an architect who couldn't draw well? Hindi naman excellent but at least believable.
"Stress ka ma'am." Noticed one of my colleagues,also an architect.
Ngumiti ako at nagsabi lang ng hindi naman na hindi niya tinanggap.Being a prick. "Mag-asawa ka na kasi...kita mo mawawala yang stress mo sa mga batang yan."
Kasi maaawa ako sa pinangti-tuition nila na pinaghihirapan ng mga magulang nila? I wanted to add but decided against it. "No...I'm fine." Wala sa status ang pagiging effective educator.That's what I think.
"Wala ka ring boyfriend 'no?" Ang kanyang nakaka-offend na tanong,iyong alam mo na,in between magkakamot ka ng ulo o mangangalumbaba.
"No...need." Sagot ko at nagpatay-malisya na hindi ko na siya papansinin but really a prick.
"Bakit? Maganda ka naman.Walang nanligaw?"
Wah?
Nanligaw? Agad past tense? I'm thirty-four not forty-three.May asim pa akong humahalimuyak ano!
"Meron.Tatlo." Walang pag-aalinlangang sagot ko nang may pagpipigil ng inis.
"Really?"
Nabitin sa ere ang pagtango ko.Kahit ang kamay kong abala sa pagtataktak ng mga papel ay tumigil din at napatitig ako sa kawalan.Napaisip.Nangunot ang noo.Did I just say three?
BINABASA MO ANG
Stars Are Blind
ChickLitQUEENS OF STANDARDS Series 1 ::::::::::::::STARS ARE BLIND|by Robin:::::::::::: At age thirty-four,wala pa ring boyfriend si Jackie.Hinihingan na siya ng apo but all her life she just wanted to be successfully recognized in her career. Family or car...