::SAB 16::

45 4 0
                                    

QUEENS OF STANDARDS Series 1

STARS ARE BLIND

::::::::::
16
::::::::::

Isang tao lang sa isang milyong pagkakamali.

Itinaktak ko ang mga dokumentong dadalhin ko,it's ten minutes before the anticipated contractors-owner meeting,nang mapatitig ako sa ID kong nasa mesa ko pa.I saw my year-younger face,looking excited with that small smile.Maigsing-maigsi pa ang buhok ko,hanggang tenga.My hair was neatly tucked behind my ears giving my square face a prominent look and dominance.I remember liking my haircut that day before the photoshoot.I kept checking myself on my pouch mirror.Gustung-gusto ko talaga ang idea na hitsura pa lang,mataas na ang dating,itinataas ang mababa kong kumpyansa.Afterall,that's the use of haircut,of fashion,to feel
better with yourself.

Sa baba ng two by two photo ko ay ang pangalan ko,at sa ilalim naman niyon ay ang posisyon ko at kumpanya.

AR. JACKIELYN F. LUY,UAP
Senior Project Architect-FC Project.
Gazette Designs Inc.

Senior project architect.Ang pinakamataas na posisyong naabot ko sa corporate world at sa kumpanya.

Sa anim taon ko sa Gazette naranasan ko na yata ang lahat ng mga challenges bilang isang empleyado.Mula sa pinakamababang posisyon,ang pagiging aide,autocad operator,illustrator,junior architect,site architect,team captain,project architect to senior project architect.Dati gusto ko lang mag-design,pero nang kumatok ang oportunidad,hindi ko na pinalagpas.Lahat ay pinaghirapan ko,walang shortcut sa akin,matiyaga akong naghintay dahil mahilig akong magtrabaho.Mahal ko ang mga ginagawa ko,mahirap man madalas pero fulfilling.

Two years after,I felt weak inside.As if I'm seeing my carreer slowly crumbling into pieces from all what's happening.I just wanted to be good and better with my job but it seems like this is the end for me.

I picked my ID and bravely wore it.I'm still part of this company and I will do my job as long as it needs me.

"Di mo ba hihintayin si Boss Mac?"

Napatingin ako sa nagsalita.

Si Ulysses na nakatayo sa paboritong spot sa cubicle ko.Mukhang seryoso at malalim ang mga tingin na nakatitig sa akin.Nakikita ko ang pag-aalala sa anyo niya na nauunawaan ko naman pero hindi ko kailangan.

Nagpatuloy lang ako sa pag-aayos ng ID ko at kwelyo ng uniporme ko. "Hindi na,kaka-receive ko lang sa text niya.Di daw siya makakapunta." At binantaan pa kaya ako.

Bitbit ang mga kailangan ko para sa meeting na ako lang ang sugo,nilagpasan ko siya.

"Gusto mo ba akong sumama?" He deeply asked,almost offering it.

Tumigil ako at nilingon siya.Binutungan ng hinga at pinakitaan ng nakakalokong ngisi. "I can manage.Easy lang to." Pangungumbinsi ko kahit alam kong hindi tatalab.

Napunit ng malalim na kunot sa noo ang kanyang mukha. "Wag ka na kaya pumunta?"

Natawa ako ng mapakla sa nakakalokong suhestyon niya. "Kailangan ako don." Again,I tried to convince,I put a genuine smile for his heartwhelming concern. "Ako ang takda,ang sugo...kaya dapat akong magpakita." Pagbibiro ko pero hindi man lang nagasgasan ng kaunting katuwaan ang anyo niya.So I decided to go now before it went too far that I'll regret later. "Sige na,salamat na lang sa concern."

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon