::SAB 8::

45 6 0
                                        

Queen of Standards Series 1

STARS ARE BLIND

::::::::::
8
::::::::::


Manhid

Ganito talaga ladies and gentlemen kapag dumarating ang may-ari ng project,makikita mo lahat ang mga boss nino.From the smallest concerned party up to the biggest.Para silang squad kung palibutan ang maliit na si Mr. Rosalio Gan.

Akala ko nga walang nakakaalam,surprisingly,napakabilis talaga ng balita.Nandito rin ang Area-Project Manager namin na once in a blue moon kung magpakita.

Halos mapuno kami sa kwarto nang magsimulang mag-inspeksyon si Mr. Gan.

Nagkakatinginan kami ni ID at artist habang namamanghang nakatunghay ang aming kliyente sa frame.Sa laki niyon,para kaming nakatanaw sa labas ng picture window at totoong nakikita ang aparisyon.

Naroon kami nang magpunas ng mga mata ang matandang Gan habang tinatapik ng apo sa balikat.At naroon kami ng paulanin nito ng papuri ang magaling na artist,habang kami naman ay pinasalamatan sa magandang pagkakagawa ng opisina nito,maliban sa maliit na gasgas sa hampa ng pinto na napansin nito.

Para akong lobong pumutok na nakahinga ng maluwag.

"Ma'am,thank you.Thank you sir." Sobrang pasasalamat ko rin ID at artist na 'to na nakisama to save the day.

"Congrats.Aprub kay lolo." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni sir A sa tabi ko.

Ayan na naman,natutulala na naman sa dating niya.Parang napakagandang landscape lang,breath-taking view.

I'm still at awe when I felt his hand grabbing mine.Para akong pinaso ng lamig at napatingin sa naghinang na mga kamay namin.Is he really holding my--

Ilang beses akong kumurap.Totoo ba tong nakikita ko?There is a silver star at the cuff of his sleeve,parang butones na hugis star.

Muntik na akong makain ng ilusyon ko nang marinig ang pangalan ng boss ko.

"Boss Mac!" Sigaw ni sir A sabay bitaw ng kamay ko.

Mabilis akong lumingon at nakita si boss Charlie Macario na palapit sa amin.Masungit ang mukha nito at nakatingin sa akin.Pero nang makalapit ay matamis na ngumiti kay sir A.

Alam ko na 'to.Nakita ko silang nag-uusap ni Gumabao kanina sa gilid,he must have discovered something from that bitchy engineer.

"Boss,galing nitong bata mo ah." But sir Aaron fronted na di ko alam kung ikakasurpresa ko ba o ikahihiya dahil knowing boss Mac,hindi ito bilib sa akin.Kung hindi nga lang ang VPO ng Gazette ang pumili sa akin,malamang ilalagay ako nito doon sa hindi ako nito makikita.

Bilang awkward sa akin ang nangyayari,ngumiti na lang ako nanahimik,hinayaan silang mag-usap.At hindi na umastang nabigla nang marinig ang isinagot ni boss Mac.

"Oo nga sir," anitong kulang sa enthusiasm ang tono. "Nasabi nga ni Gene na hindi nga raw nasunod yung plano,ginawan lang ng paraan.Buti na lang hindi napansin ng lolo mo." Sabi na sa akin muna nakatingin bago sa kausap.

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon