::SAB 43::

36 4 5
                                    

QUEENS OF STANDARDS Series 1

STARS ARE BLIND
#LuyEp
#ArchVsEngr

::::::::::
43
::::::::::


I shouldn't have lied.

Ulysses carried me unto the emergency area kahit sinabihan siya ng isang staff na may gurney.Nakapikit ako at nangungunyapit sa sakit nang marinig ko yon pero to hell with gurney! I depended on my guy.Bahagya ko pang na-miss ang init at amoy niya nang maihiga na ako sa hospital bed.

And cooing was comforting.Para akong bata na inaalo pa rin niya,I even felt his hands caressing my hair and face.Drying my tears.Saka lang niya ako tinantanan nang umungol ako ng malakas at bumaluktot pa dahil narinig kong pinatatabi siya ng mga staff at nariyan na raw ang duktor.

But still he managed to whisper to my ears. "Tatawagan ko ang Mama mo-" mariin akong umiling habang dumadaing. "Papa mo." Tumango ako. "Okay.Get well,babalik ako." Ikaniya bago siya nawala at pinagtulungan na ako ng mga staff nurse.

---

Ang huling alam ko ay pinatulog ako ng gamot na in-inject sa akin.Paggising ko nasa ibang kwarto na ako. Ilaw at puting kisame ang una kong nakita hanggang sa unti-unti ay naalala ko ang lahat at nagsimula akong mag-alala.

Even out of all my wits my body couldn't keep up.Sobrang hina ng pakiramdam ko at para akong papel sa gaan.And what I most thankfully was finally not feeling the pain.

Si Papa ang una kong nakita na alalang-alala kabaliktaran naman ng aking ina. Tinawagan daw sila ni Ulysses at may anim na oras na raw akong tulog dahil sa gamot.

Hinanap ko naman ang nagdala sa akin dito at sinabi ni Papa na umalis daw pero babalik mamaya.

Pagkatapos ng pag-uusap naming yon ay lumabas si Papa para tawagin ang duktor.Naiwan ako kay Mama nang wala kaming imikan.May pakiramdam akong alam ko na ang tumatakbo sa isip niya.

Pagbalik ni Papa,hindi lang ang duktor ang kasama niya kasama na rin niya si Mandino.

Our eyes met.At may paghapding naganap sa loob ko nang maalala ang kung paano niya ako inalagaan kanina.Mamaya pasasalamatan ko siya.

Inasikaso ako ng duktor at ng kasama nitong nurse habang ini-inform na mag-u-undergo ako ng ultrasound at makakatulong daw nito ang kasamahang Gynecologist sa kondisyon ko.Duda kasi itong may problema ako sa uterus kaya ganon na lamang kasakit ang period ko at sobra ang pagdurugo.At nang banggitin ko ang naging resulta ng unang check-up ko sa OB ay lalo itong naging determinado sa gagawin.

That same hour ay nag-undergo nga ako ng ultrasound.And moments later ay sabay-sabay naming narinig ang findings maliban kay Ulep na kusang lumabas.

Endometrial Hyperplasia o abnormal bleeding ang nangyari sa akin.Though benign ay malaki ang risk na maging cancerous kung mapapabayaan.This is due to the thickening of the layer or lining in my uterus or overgrowth which caused the abnormal bleeding.Sa mapaklang pananalita nung una kong OB,sinisikipan ako ng matres.

Nang marinig ito ng mga magulang ko nag-unahan ang mga ito sa pagtanong.Ano daw ang maaaring naging dahilan? Maliban sa may history ang side nila Mama.

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon