QUEENS OF STANDARDS Series 1
STARS ARE BLIND
#LuyEp #ArchVsEngr
#43 in ChickLit,highest rank so far.Thank you very much.::::::::::
44
::::::::::So be it.
"Uy,sama mo makatingin kay Architect." Tapik ni Charlie sa balikat ni Mandino na masamang nakatingin sa akin.
Iniwasan ko naman ang tinging iyon at kay Charlie tumingin at sa sinasabi nito.Hindi talaga yon nakakatawa pero nagngiti-ngitian ako para hindi halata.
"Relax ka lang.Di pa rin kayo magkasundo hanggang ngayon?" Anito at palipat-lipat ng tingin sa amin.
Nasa harap ko si Mandino at nasa pagitan namin si Charlie.
Walang imik si Ulep pero ramdam na ramdam ko ang inis niyang nakakatunaw ng hiya.
"Sabihin mo na ang sasabihin mo,marami pa akong gagawin." May pagtitimpi sa boses na sabi niya pagpihit kay Charlie.
Pinagtiim ko ang mga labi ko.Nakaka-intimidate talaga kapag nagagalit ang lalaking 'to.
Pero katulad pa rin ng dati ang kausap niya,bilib pa din sa sarili na bahagya mang sumeryoso ay naroon ang dating nitong hindi patatalo.Alam ko magkaibigan ang dalawa pero ngayon ko lang sila makikitang mag-uusap ng ganito.Iyong walang nagpapalamang.Wala ng formality katulad noon,amo sa tauhan.I'm seeing two professionals.And I'm rooting for Mandino dahil may pakiramdam akong kagaya ko ay na-ambush din siya ng meeting na 'to.
Magkaharap ang dalawa na parang wala ako doon.Wala pa namang nakahain sa mesa maliban sa tubig.Kaya malinaw ko silang napapanood sa harap ko.
Suddenly Charlie chuckled and pat Mandino once again. "Ang seryoso-"
"Hindi naman ako nagpapatawa.Anong ginagawa niya rito?" Putol dito ni Mandino sa naiinip na tono at itinuro pa ako.
I looked at Charlie,oo nga.Bakit ba ako nandito? Bakit kami nandito na dalawa?
But Charlie was obviously up to something that his acting carefully.And I'm starting not to like it too.
"Kumain muna siguro tayo." Anito na lalong nagpalalim ng kunot sa noo ni Ulysses.
"No,tell us first." Wika ko na rin dahil halatang may iniiwasan itong mangyari.
But Mandino,without looking at me,signaled to wait. "Kami muna ang mag-uusap." Sabi habang nakatingin kay Charlie bago tumayo.
Nakalabas na ng restoran si Mandino pero nasa harap ko pa rin si Charlie. Mukhang napahiya ito at hindi makatingin na kakamot-kamot ng pisnging tumayo,at sumunod sa labas.
Naiwan akong nagsisimulang mag-ngingit sa galit na pinalala pa ng maya't mayang pagsundot ng sakit sa puson ko.
Tumutok ang paningin ko sa labas ng glasswall kung saan kitang-kita ang dalawa sa may parking na magkaharap.Hindi pa rin nababawasan ang galit sa mukha ni Ulep at ang hiya naman sa mukha ni Charlie.
Pinanood ko silang nag-uusap.Napapabuntong-hininga ako nang panay ang turo ni Mandino sa gawi ko kahit alam kong nakikita niya ako dahil hindi naman tinted ang salamin.Mukhang nagtataasan sila ng boses at panay ang pagbiling ni Charlie sa kaliwa't kanan nito,nagpapakalma ng sarili.
BINABASA MO ANG
Stars Are Blind
ChickLitQUEENS OF STANDARDS Series 1 ::::::::::::::STARS ARE BLIND|by Robin:::::::::::: At age thirty-four,wala pa ring boyfriend si Jackie.Hinihingan na siya ng apo but all her life she just wanted to be successfully recognized in her career. Family or car...