Queen of Standards Series 1
STARS ARE BLIND
::::::::::
6
::::::::::Outburst
"Wala kang dyowa?!"
Mariin siyang umiling that send me to the farthest end of the universe.
Pinigilan kong ngumiti and tried to be sympathetic for him.
"Ahy,ayaw sayo ni girl?" Kuno.
He made an inward laugh. "Ayoko sa kanya."
"O?" Di ko na maisubo-subo ang pasta'ng in-order niya para sa akin,specialty raw ng restobar niya.
Tumango-tango ang Mr.Perfect. "Hahanapin nya raw ang sarili niya,di ko naman alam na nawawala pala.So I let her go." He said dismissing with a hand.
Gusto kong tumawa pero pinigilan ko dahil seryoso ang pagkakasabi niya.But then he laughed na atubili kong sinundan.
"I though I was telling her a joke but then she slapped me.So I broke up with her." Kibit balikat niya na parang wala lang iyon sa kanya.
Pero kung titignan mo naman ng maigi,he still looked affected.
"O anong tinitingin-tingin mo dyan? Kain na." Untag sa akin na di ko namalayan.
After that,hindi na ako nagtanong pa tungkol sa lovelife niya.
"Sumasayaw ka ba?" Tanong niya nang matapos kaming kumain at pa-juice-juice na lang.
The thought of me dancing ay kasuka-suka kaya ganon na lang ang iling ko.
"Ganon? Kahit balse o sway lang?Di ka nag-JS nung high?" He asked really surprised.
Natawa ako ng matipid. "Iba naman yun sa JS,pag walang participation walang grade eh." Nagulat ako sa biglang pagtawa niya.
"Oo nga! Ganundin sa amin nun! They even locked the gates para lang maka-attend ang mga kasama sa cotilion."
Nakitawa na rin ako. "Tapos partner ko pa non,bansot!"
"Talaga?!" Mamatay-matay sa tawa ang mama. "Mine was skinny,she kept pulling her tube dress kasi bumababa!"
Nakakahawa ang tawa niya nang bigla siyang sumeryoso. "Ano,sayaw tayo next weekend?"
Nawala ang tawa sa mukha ko at manghang napatitig sa kanya.Dahil tama ba ang dinig ko? Is he asking me for a date?
Hindi na ako nagpahatid pag-uwi ng mag-boluntaryo ito.Though he was the only thing that occupied my mind until I went to bed.
Lord,siya na ba?
Bigla siyang dumating eh.He just saved me.
Tapos may star.
May star Lord! Siya na ba?!
Napabangon ako at napasuyod ng buhok.Masyado bang feeling kung ganun nga? Jack,apo yon ng mayaman!And you,you're just one commonner employed by them! At saka isa pa,ganda ko naman masyado....
BINABASA MO ANG
Stars Are Blind
ChickLitQUEENS OF STANDARDS Series 1 ::::::::::::::STARS ARE BLIND|by Robin:::::::::::: At age thirty-four,wala pa ring boyfriend si Jackie.Hinihingan na siya ng apo but all her life she just wanted to be successfully recognized in her career. Family or car...