QUEENS OF STANDARDS Series 1
STARS ARE BLIND
#LuyEp::::::::::
39
::::::::::Bring it on.
"Ano na'ng nangyari sa estudyante mo? Hindi na pumasok.Nagbigay na ng notice for FDA ang ibang professors.Ano na Luy?"
Trabaho ko na ngayon ang manuyo ng estudyante.Kung ayaw pumasok di hayaan!
"Tumawag yung tiyahin,nagbabantang mang-habla."
Natakot naman ang matandang dean.On what grounds naman magdedemanda ang seashell na yon? Sinong eatudyante sa mundo ang nag-aaral at nag-aral ang hindi nakaranas ng pamamahiya? True it's against one's ethics but it's just the way it is.We aren't living in a perfect world where perfect,unblemished people exist.
Walangyang kabibe.I have this feeling that she's taking this against me personally.
"Just this once dean."
"Yeah,yeah...go ahead."
Di naman mukhang yayamanin ang Marcos na 'to pero pabebeng señorito eh.Sa isang two-storey row house unit ito nakatira.
"Mamaaa! May babae sa labaaas!" Narinig kong malakas na sigaw nung batang babae na nakadungaw sa bintana mula sa loob ng unit.
Kinuha ko na ang rights na tumapak sa maliit na bakuran at lumapit sa front door.Saktong paglapit ko ang pagbukas non.And hell kung sino ang tumambad.Tapos timing lumabas din yung bata kanina at kumapit sa laylayan ng bestida niya sabay tawag ng 'mama'.
I saw the glitter of embarassment in her eyes before they were swarmed back with pride.
"Ba't ka nandito?" Masungit na bungad niya.
I smiled wickedly. "Cute ng anak mo." Nawiwili ako sa nakikita ko.
"Sagutin mo yung tanong ko." Angil niya.
I twisted my lips and arched my brow. "Dito ba nakatira si Batanes Marcos?" Malamig kong tanong.
Dumilim lalo ang kanyang paningin sa akin. "Bakit,makikiusap ka na-"
"Oh goodness,hindi ikaw ang kailangan ko kaya please lang! Nasa'n siya? 'Andyan ba?" Putol ko sa drama niya.She's beginning to get into my nerve!
Nakipagtagisan siya ng tingin kaya yung bata na ang gumawa ng tama.
"Nasa loob po si Kuya...."
Bumaba ang tingin ko sa bata.Matamis ko siyang nginitian pero natakot yata kaya napasuksok sa ina. "Pwede mo ba siyang tawagin para kay Tita...?" Aniko pero inutusan ito ng ina na magkulong sa kwarto.
"Wala dito ang pamangkin ko." Sabi ng kabibe.
Bumuntong-hininga ako.Ay ang tanga kasi.Ang bata pag may nakita hindi nakakatiis dumaldal. Kaya itong kabibeng 'to masarap durugin tapos ipakain sa rabbit!
"Batanes Marcos!" Wala akong oras sa lokohan,busy akong tao.
"Grabe,ganyan ka ka-eskandalosa?" Tinignan ko siya ng masama. "Maliban pa sa desperada?" Ni-head to toe ako.
BINABASA MO ANG
Stars Are Blind
ChickLitQUEENS OF STANDARDS Series 1 ::::::::::::::STARS ARE BLIND|by Robin:::::::::::: At age thirty-four,wala pa ring boyfriend si Jackie.Hinihingan na siya ng apo but all her life she just wanted to be successfully recognized in her career. Family or car...