::SAB 21::

33 4 0
                                    

QUEENS OF STANDARDS Series 1

STARS ARE BLIND

::::::::::
21
::::::::::

Pwede po ba?

Gumising ako na una ay magaan ang pakiramdam.I see my room sprawled with the beautiful light coming from the window.The cold air taking with it the thin white curtain.I watched it softly blown away,it felt warm.Then it dawned on me what was the day about.At yon,ang bigat na sa pakiramdam.

Bumikig ang lalamunan ko.Oo nga pala kasi,wala na akong trabaho simula ngayon.

I still have days until Saturday but what for? Nakapag-turnover naman na ako,nakapag-goodbye na ako,okay na yon.No need to further prolong the agony,dun din naman yon papunta.

Marahan akong bumangon,I wiped the tears away kasi alam ko na di dito nagtatapos ang professional career ko.Because...I am now a freelance architect!Yey...!

Face palm.

Kailangan ko 'tong iiyak.

At kailangan 'tong malaman ng pamilya ko.

" 'nak...umiiyak ka ba?" Kumakatok si Papa.Dinig pala 'gang labas ang atungal ko.

Lumabas ako ng kwarto at nagkunwaring nagpapakatatag.Pero nang magkaharap-harap na kami sa almusal,na kung bakit hindi pa raw ako nakabihis,I wailed like a kid.

"Wala ka ng trabaho?"

"Teka 'nak," putol ni Papa kay Mama. "Ikaw ang umalis o...?"

Nag-abang ang dalawang matanda.Balak ko pa naman sana silang i-treat sa Palawan nitong weekend.

"Nag...nag-resign na ako Pa bago pa ako tanggalin."

"Pano na ngayon yan?" Ang galit na dating ni Mama.Lalo akong naiyak.

"Pwede ba...." Ani Papa sa kanya. "Ayos lang yan 'nak.Nang...makapagpahinga ka naman."

"Ay oo nga,para naman ma-relax-relax yang matres mo."

"Ano ba."

Siguro nga,meant to be na rin to para mapagtuunan ko na rin ng pansin ang sarili ko.Palagi na lang akong subsob sa trabaho,siguro nga si Lord na ang nagbigay ng break na 'to.

Hi! Musta? Pwede ka ba ngayon Architect? Tara labas tayo.Be there in a minute.

Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko.Kung ibang tao lang siguro 'to baka napamura na ako sa isip ko.Pero hindi eh,hindi dahil si Sir Aaron pa.Pano ako sasagot?

Sira ulo ka ba-

Shit,ang sama ko.I deleted it.

Naku sorry Sir.Maaga ako ngayon nag-out.

Sinungaling.Hit send.

Ow.My bad.Nandito na ako sa labas.Sige bukas na lang?

Punyeta.Murahin ko kaya?

Stars Are BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon