TPATG(13)

13.8K 313 22
                                    

"Ano!!!"

"Rich Academy? Diba school yon ng daddy mo Trevor?" rinig kong salita ni Ivan at lumapit sa akin.

Mga hayop talaga sila!

"Bakit ka nila pinapasunod sa amin?" tanong ni blake, this time seryoso na kaming lahat.

"Gusto nilang gayahin ang mga strategy, steps, practices niyo sa darating na Basketball game mamayang hapon."

"Sila Jarvis, Trevor." salita ni Troy, pangalan pa lang ng hayop na yon naiinis na ako.

"Mga Hayop sila! Siguro natatakot na matalo sa atin yong mga yon kaya inuutusan ka nila, sabihin mo sa akin. Inutos din ba nila na alamin ang pagkatao ko?" tanong ko ng seryoso.

"Hinde, wala silang nabanggit sa akin na alamin ang pagkatao niyo, pero wala akong intensyon na sabihin yon kahit kanino dahil alam ko ang magiging kahinatnan ko." salita niya tapos tingin sa kapatid niyang bata.

"Pakawalan niyo siya."

"Ano?!" sabay na sigaw ni troy at blake sa akin tapos tinignan ko yong dalawa ng masama.

"Bakit?! Eh baka mapahamak ang Black Death niyan?! Mag isip ka naman--"

"Alam ko ang ginagawa ko! huwag niyo akong diktahan! Pakawalan niyo siya!" sigaw ko tapos napayuko ang dalawa at ginawa ang sinabi ko.

Nang pinakawalan ito ni blake, binantaan niya naman ito.

"Sa oras ba may makaalam nito! Ikaw ang hahanapin at sisisihin ko! You Understand!?" banta ni Blake sa babae.

"At isa pa huwag kang mag- kakamaling magsumbong sa Rich Academy na dinukot ka namin? at sabihin mo sa mga yon na wala kang nakita. Now Go!" utos ni Troy at umalis ang babae kasama ang batang kapatid neto.

"Geo! Lukas! Sino sila?" salita ko na hindi nakatingin sa kanila.

"Yong Babae ay Si Joyce Anne Armadoval at yong bata ay Cloe Jane Armadoval." sagot naman nito.

"Sundan niyo sila." utos ko at agad naman silang nag sialisan at sinundan sina Joyce at Cloe.


Lunch Time

Kring**Kring**

Raine's POV

Nagugutom na ako actually hindi ako kumain kasi nong nakasama ko si Trevor kanina hindi na ko kumain dahil late na ako.

Kaya ayon pumasok akong gutom.

Pero atleast makakargahan na ang tiyan ko finally.

Pumunta ako sa Cafeteria na kasama si AbiGale, buti nga ehh nakakasama ko na siya dahil wala si Stephanie pag lunch time dahil may practice sila ng Cheer leading para sa game mamaya.

"Huy! Ang lalim oh bess! Daig pa ang dagat pasipiko? Ano bang iniisip mo at ang lalim?" tanong nitong abnormal ko nang kaibigan na si AbiGale. Oo friends na kami, akala ko kasi cold siya at maldita na parang si Stephanie at Margaret, ang salbahi sa akin.

Totoo nga sinasabi ni Trevor sa akin maraming namamatay sa Akala.

Nakahanap na kami ng lamesahan at sabi naman ni abigale na siya na daw ang bibili ng pagkain kaya umoo na lang ako.

Habang hinihintay ang food may sumigaw na isang istudyanteng babae.

"ROYAL!!!7!!!"

Nagulat naman ang lahat pati ako na naagaw ang atensyon sa babae.

"Wahhh!!!"

The Princess and The Gangster (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon