[Author's Note: Sorry for wrong grammars, typos and words. Sorry, ha? Isa pa, ine-edit ko pa ito ng pa unti unti. So, ayun lang naman. Enjoy reading. Don't forget to vote. Thanks! :>]Aiser's POV
Nasa kalagitnaan ako ng magandang panaginip nung may sumira nito.
"Aish!"
Kinapa ko ang unan na nasa tabi ko at inis na tinakip iyon sa kabuoan ng ulo ko. Napagod yata ito sa kakatawag dahil huminto ang pagtunog ng cellphone ko.
Tsk. Hihinto din pala---
"What that heck!?" napabalikwas ako dahil sa muling pagtunog ng cellphone ko.
"What do you want!?" singhal ko sa kabilang linya matapos kong maitapat ang cellphone sa kaliwang tenga ko.
"It's 11 a.m already at hindi ka pa gising? Kailan mo balak-- asgkshklsgmahdjkag.."
Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi nya dahil inilayo ko ang cellphone sa tenga ko para malaman kung sino ang nasa kabilang linya na parang nanay ko kung pagsabihan ako. Si Kim.
"Oh?" kalmadong tanong ko nung maibalik ko na sa tenga ko ang cellphone.
"Ayusin mo sarili mo. Susunduin ka namin--"
"What?" napabangon ako bigla dahil sa sinabi niya na nagpagulat sa 'kin.
"Don't forget money. Bye."
Call ended.
What was that for?
Kunot noo kong tinignan ang cellphone ko pagkatapos niya akong babaan ng linya. Labag man sa kalooban ko ay wala na akong nagawa kundi bumangon at mag ayos ng sarili.
Kim's POV
"SAAN BA tayo pupunta?"
Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse ngayon na patungong mall nang magtanong si Aiser.
"Sa mall. Magshoshopping!" sagot ko.
"Nakalimutan mo rin ba?" tanong ni Nathalie at kunot noo namang siyang tinignan ni Aiser.
Kanina pa siya ganyan mula nung sinundo namin siya sa bahay nila. 'Buti na lang at hindi niya ako binugahan ng apoy nung makita niya ako. Ayaw na ayaw pa naman niya ang ginigising.
"Nakalimutan mo nga. Muntik ko na rin makalimutan, mabuti na lang pinaalala ni Kim sa 'kin."
"Ang alin?" tanong ni Aiser.
"First day of school. Monday." sagot ni Nathalie. Nanatili namang tahimik si Aiser. Tumingin siya sa labas ng kotse.
"New school na naman." dagdag ni Nathalie at nanatili naman kaming tahimik.
New school again. Pangatlong school na namin itong papasukan. Paano ba naman, lagi na lang kami umaalis dahil sa mga bullies na hindi kami tinitigilan.
"Sana naman magtagal na tayo sa school na papasukan natin." napalingon kami ni Nathalie kay Nikka dahil sa sinabi nya.
"Sana nga." saad ni Nathalie.
"Ibalik na kaya natin 'yong dati?" tanong ko at wala ni isa ang nagsalita.
"Nandito na tayo."
Biglang lumabas si Aiser ng kotse at doon ko na lamang nalaman na nakarating na pala kami sa mall. Taka akong napatingin kay Nikka at Nathalie na noon ay nakatingin na din sa akin. Nagkibit balikat na lamang sila matapos naming magkatitigan.
Lumabas na rin kami sa kotse at hindi na namin napag usapan pa ang tungkol sa tanong ko kanina.
"Wala naman akong sinabing masama, ah?" bulong ko sa sarili ko. Nagtataka man ay pinili ko na lamang sumunod sa kanila papasok sa mall.
BINABASA MO ANG
Nerds In Love with Gangsters
RomanceMagkakaibigan sila mula pa sa pagkabata. Magtatatlong taon na rin mula nung pinili nilang magbago ng kanilang hitsura. Ang maging isang nerd. Ginawa nila 'yun dahil sa isang dahilan, ang atensyon, ang pinaka ayaw nila sa lahat. At sa tatlong taon di...