Chapter 17

508 20 0
                                    


Nathalie's POV

Wednesday

Pagkapasok ko pa lang sa school ay naagaw ko na ang atensyon ng ilan. Nagsimula silang bumulong bulong habang nakatingin sa 'kin at yung iba naman ay tinitignan ako mula ulo hanggang paa at bigla na lang umiikot ang mga mata nila kapag tumingin ako sa kanila.

'Ang aga aga.. mga tsismosa!'

"Hey," napalingon agad ako kung sino ang sumabay sa 'kin sa paglalakad.

"Oh, Jayzi?" gulat kong bati.

"Nagulat ba kita?" nakangiting tanong nya. 'Yan na naman ang killer smile nya..

"Psh! Hindi ba halata? Bakit ba kasi sumusulpot ka kung saan saan? Haha."

Natawa sya ng mahina. "Anyway, pumunta ako sa building niyo kahapon.. mukhang busy ka kaya umalis na lang ako."

"Ganon? Hindi kita nakita.." ngumuso ako at agad nya namang pinisil ang pisngi ko.

"Ang cute mo hehe.."

"Psh! Matagal na." sabi ko at sabay kaming natawa.

"Oh my gosh.. totoo nga yung sinabi ni Maegan. Ang landi nya talaga.."

"Pagkatapos ni Julian.. si Jayzi naman??"

Napatingin ako sa mga babaeng nag-uusap ng 'di kalayuan sa 'min. Sinadya nila 'yon na iparinig sa 'kin. Lalapitan ko na sana sila pero pinigilan ako ni Jayzi at sya ang lumapit dito. Ano naman ang gagawin nya?

Gulat at napapahiyang tumingin yung mga babae kay Jayzi nung nakalapit ito sa kanila.

"Hindi sya malandi, okay? Kaya tigilan nyo siya dahil kung hindi.. ako ang makakaharap nyo. Naiintindihan nyo ba?"

"O-oo.. Oo Jayzi.." napapahiyang sabi nung dalawang babae at umalis.

Habang papalit si Jayzi sa 'kin ay hindi ko naitago ang ngiti ko dahil natutuwa ako sa kaniya. Mabuti ka pa.. pinagtatanggol mo 'ko. Yung kuya mo.. hindi.. inaaway pa nga nya ako tss.

"Ano? Tara?" sabi niya at nagsimula na kaming maglakad.

"Salamat nga pala, ah?"

"Tsh! Wala 'yon. Tsaka, mali naman sila, eh. Alam ko, mali yung sinasabi nila." ngumiti siya sa 'kin.

"Ewan ko ba! Mula nung nakita ko yung kuya mo?.. Ang daming kamalasan ang nangyari sa 'kin."

Bumalik sa isipan ko ang lahat ng nangyari mula una. Mula sa sinehan sa mall kung saan ko sya nakabangayan, dito sa school kung saan hindi ko inaasahan na dito din pala siya nag-aaral at mas lalong hindi ko inaasahan na magiging classmate ko siya. Psh!

"Baka naman may balat sa puwet 'yang kuya mo?" biro ko.

"Hahaha.. ewan? Hindi ko pa nakikita ng puwet nya." sabi niya at natawa naman ako.

"Oh.. eto na pala yung building namin. Paano ba yan? Papasok na 'ko." hinarap ko siya.

"Hatid na kita hanggang sa room nyo."

"Psh! 'Wag na.. baka ma late ka pa." 

"Maaga pa naman." tumingin siya sa relo niya.

"Oh, eh 'di mas maganda na maaga ka. Psh, sige na, aakyat na ako. See you around!" tsaka ko siya tinalikuran at umakyat na ng building.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon