Chapter 26

465 15 0
                                    

Aiser's POV

Pagkatapos magperform ni Kimberly ay may sumunod na kumanta at sumayaw. Hanggang sa sumunod si Nathan at talaga namang grabe ang tilian ng mga girls.

Napatingin ako kay Nikka. Maging siya ay napapahanga sa pagkanta ni Nathan. Napangisi naman ako dahil do'n. Bahagya ko siyang siniko at napatingin naman siya sa 'kin.

"Baka matunaw." nakangising sabi ko.

"Tao sya, hindi siya yelo tsh!" sabi naman niya. Natawa na lang ako.

Titingin na sana ako sa stage pero nahagip ng mata ko si Kein. Nakatutok siya sa kaibigan niya na kumakanta sa ngayon. Iniwas ko kaagad ang tingin ko nung napatingin siya agad sa 'kin. Napatingin naman ako kay Nathalie.

"N-Nath, gusto mo bang ako na lang ang taga gitara mo?" walang ano ano'y tanong ko kay Nath. Hindi ko ito plano pero ewan ko ba. Bigla na lang akong natuliro at natanong iyon.

"Sige ba!" sabi niya.

Hindi na ako muling tumingin kay Kein at tumingin na lang ako sa stage.

Nung matapos si Nathan na kumanta ay hindi napigilan ni Nikka ang hindi pumalakpak. Hindi umalis sa stage si Nathan. Kinuha niya ang gitara. Natigilan na lang ako nung naglakad patungong stage si Kein. Umupo siya at humarap sa lahat.

"Waaahhh!!! Ayan na si First!!!"

"Kinikilig ako!"

"Maririnig ko na ulit ang boses niya! Waaahhh!"

Dinig kong sabi ng mga babaeng malapit sa 'min.

Nagsimula ng nag strum si Nathan hanggang sa nagsimula na ding kumanta si Kein.

If I told you I was perfect I'll be lying

"Kyaaaaahhhh!!!!" tili ng mga babae.

If there's something I'm not doing girl I'm trying
I'm know I'm no angel
But I'm not so bad
No, no, no

Napatitig ako sa kaniya. Kumunot ang noo ko dahil ang mga mata niya dati ay iba ngayon. Hindi masigla. May sakit ba siya?

If you see me at the party conversatin'
That doesn't mean telephone numbers are exchanging
I'm know I'm no angel girl
but I'm not so bad
No, no, no, you should know that...

Tumingin siya sa direksyon ko na ikinagulat ko.

"Ehem.." dinig kong pag ubo ni Nikka na may halong panunukso.

Bahagyang kumunot ang noo ko at tinitigan din siya.

Beautiful girls all over the world
I could be chasing, but my time would be wasted
They got nothing on you, baby
Nothing on you, baby

'At talagang hindi niya tinanggal ang tingin niya sa 'kin. Tss..'

They might say "hi" and I might say "hey"
But you shouldn't worry about what they say
'Cause they got nothing on you, baby
Nothing on you, baby..

'They got nothing on you, baby? Tss..'

"Yiiiiieeee nakakakilig naman sila!" sabi ng isa. Alam ko, ako at si Kein ang tinutukoy niya. Paano ba naman, halos nakatitig lang sya sa 'kin hanggang sa matapos ang kanta.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at sinenyasan si Nathalie. Pagkababa nila ng stage ay syang pag akyat namin. Nagkasalubong kami ni Kein. Kumunot ang noo ko nung makita ko ng malapitan ang mga mata niya. Nakita ko kung gaano ito katamlay. Napakalamlam.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon