Chapter 16

485 16 0
                                    



Julian's POV

Lunch time.

Pababa na kami ng building and as usual, tumitili ang mga babaeng madadaanan namin. Yung iba tinatago pa ang kilig sa katawan nila. Tsh.

Pagkababa namin ng building...

"Hahahaha!"

"'Yan! 'Yan ang bagay sa inyo!"

"Kulang pa, Maegan! Sana sa mukha mo sila binuhusan!"

"Don't worry.. may next time pa."

Napaawang ang labi ko dahil sa nakita. Binuhasan ni Maegan ng chocolate drink si Mangkukulam at Kimberly.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis.

Si Maegan ay kilala sa campus. Kilala syang maarte at war freak. Certified campus flirt. Tsk, may gusto nga sa 'min 'yan.

"Wala ba tayong gagawin?" tanong Dave.

"Tsh. Hayaan mo sila. Manood na lang tayo.. mukhang magandang palabas 'to." sabi ko sa kaniya. Mas pinili ko na lamang ang manood.

"Ano bang ginawa namin sa inyo!? At tsaka, sino ka ba, ha?!" si Mangkukulam.

"I'm the Queen of campus.. at masyado lang naman kayong malandi at epal!" si Maegan.

Napataas ang kilay ko dahil doon. Queen of campus? Ang kapal, ah? Eh, sya lang naman ang nagbansag nyan sa sarili niya pati na rin ang mga alipores niya. Tsh!

"Anong malandi?! Anong epal?! Nananahimik kami dito pero ginugulo nyo kame!" si Mangkukulam.

"Eh, anong tawag sa pagdikit dikit nyo kay First, Second, Third at Fourth? Hindi ba't kalandian 'yon?!"

Nagulat kaming apat dahil do'n.

"What?! Are you stupid?! Iisa lang ang classroom namin kaya hindi malabong makasama at makausap namin sila!" si Kimberly.

"Alam nyo? Mukha na kayong shunga shunga dahil sa ginagawa nyo! Ano ba nila kayo, ha? Sino ba kayo sa buhay nila para pahirapin ang sino mang lumapit sa kanila? Masyado kayong feeling girlfriend! Ang lawak lawak ng imahinasyon nyo!" sigaw ni Mangkukulam.

"Siguro nga hindi nila kami girlfriend pero nilalayo lang namin sila sa mga basurang katulad nyo! You know what? Nagtataka ako kung bakit nakapasok ang basurang katulad nyo dito sa Fureton. Hindi kayo nababagay dito dahil basura kayo!" si Maegan.

"Kahit na anong sabihin mo.. hindi pa rin kami aalis dito! Sino ka ba para paalisin kami dito? Ahh.. naalala ko na. Kanina sinabi mo 'yon, eh. Ano nga ba 'yun?.. Campus Bitch?"

"Hahahaha!" natawa ako dahil do'n. Pinagtinginan naman ako ng tatlo. Inis ko silang tinignan. "Oh ano? Nakakatawa naman, ah! Tsh!" singhal ko at tumingin ulit sa eksena.

"Watch your words, little brat. Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo."

"Nath, Kim," mula sa mga taong nanonood ay lumabas si Aiser at Nikka.

"Ohh.. may kaibigan pa pala kayo? At nerds din, ha? Hahaha!"

"Tara, nagsasayang lang kayo ng laway at oras dyan." seryosong sambit ni Aiser.

"Oh! Wait lang.. naglalaro pa kami dito. Do you want to play with us also?"

Hinarap ni Aiser si Maegan.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon