Chapter 10

528 20 0
                                    


Kein's POV

"May racing sa linggo. Nine PM ang umpisa."

"May family dinner kami sa linggo. Hindi ako makakapunta. Ikaw, Dave?" tanong ni Julian.

"I'm not busy." sagot nito. Tumingin ako kay Nathan.

"May gagawin ako sa linggo at baka malate pa ako sa lunes kapag pupunta pa ako." agad na sabi nya.

"Sige. Kami na lang ni Dave ang manonood." sabi ko.

Nagpaalam na muna kami sa isa't isa bago umuwi. Pagkarating ko sa bahay, nakita ko kaagad si Lexie, nakatutok sa laptop nya habang naka upo sa sala. Dumiretso ako sa kaniya at naupo din.

"'Yun nga palang inutos mo sa 'kin kanina, nagawa ko." sabi nito habang nakatingin pa rin sa laptop.

"Good." tanging sagot ko habang hinahalungkat ko ang bag ko.

"And good news!" tumingin sya agad sa 'kin. "Friends ko na sila at bukas ay makikisabay na naman kami ni Ben pag lunch."

"Okay." simpleng sagot ko.

"Bakit mo nga pala tinulungan si Nathalie? You have feelings for her??"

"Wala." sagot ko nang hindi sya tinitignan.

"So, bakit mo siya tinulungan?" usisa nya.

"Wala lang."

Dahil ayaw kong magkagulo kaming lahat. Apat sa apat. Kung may problema man yung dalawa, wag na nila kaming idamay dahil..

Napailing na lamang ako.

"Aakyat na ako." paalam ko at tumayo na. "Hindi ako kakain." dagdag ko pa.

Umakyat na ako sa hagdan at pumunta sa kwarto. Humiga sa kama at inalala ang mukha at pagkilos nya.

She's interesting, huh?

Naalala ko ang nangyari kaninang umaga. Nag excuse sya para mag c.r pero dumiretso sya sa canteen at kumain. Nag excuse din ako no'n ngunit ang dahilan ko ay sasagutin ko ang tumatawag sa 'kin kahit wala naman para lang masundan sya. Hindi ko alam kung bakit ko 'yun nagawa pero napapangiti na lang ako sa ngayon dahil do'n.

Kinabukasan

F R I D A Y

Sakto lang ang oras ng pag pasok ko dahil hindi pa nag uumpisa ang klase.

"Good morning class." bati ni Miss Hale sa 'min. Tumayo kami upang batiin sya.

"Good morning, Miss."

"Okay, so we will continue our discussion about we have tackled yesterday and after that, quiz. So, pay attention class."

Nagsimula na ang discussion ngunit wala pa si Aiser.

Agad din itong natapos dahil konti na lang pala ang ididiscuss ni Miss Hale.

"Are you ready for your quiz?"

"Not yet." agad na sabi ng iba at inilabas ang mga notes nila.

"Yes Miss!" sabi naman ng ilan.

Napatingin ako sa upuan ni Aiser.

'Lagi na lang late.'

"Okay. I'll give you 5 minutes to review." sabi ni Miss at naging busy na ang lahat. Nagsimula ng bumulong, tumingin sa kisame, sa white board, sa pintuan, at kung saan saan nakatitig ang ilan na para bang malalim ang iniisip.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon