Nathalie's POV
For the first time may nagawang maganda sa 'kin si Julian. 'Yon yung nakipagpalit sya do'n kay Lucas na manyakis pala.
Nung una, nainis ako at nagalit nung itinaas nya ang kamay nya kay Teacher Wonn at gusto nyang makapartner ako. At mas nakakagulat ang rason nya!
'Just because I want to. And I don't want to see her with other guy.'
Like, what the heck? Ang akala ko no'n ay isa 'yon sa pang-asar nya sa 'kin at pagpapaalis sa school pero hindi pala. Hindi pa rin ako makapaniwala sa rason nya at nakakamangha lang talaga.
'Ayaw lang kitang mapahamak kaya ginawa ko 'yon'
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nung magpaulit ulit 'yon sa pandinig ko.
Walang ano ano'y napangiti ako.
"Hoy. Anong nginingiti ngiti mo dyan?" bumalik ako sa reyalidad dahil do'n.
"Wala! Naalala ko lang yung crush ko hehehe." ngumiti ako sa kaniya at tinaasan naman niya ako ng kilay.
Kasalukuyan akong nasa sala nila at talaga namang mayaman ang lalaking 'to. Ang ganda ng bahay nila at napakaaliwalas. Yayamanin!
"May aasikasuhin lang ako sa taas. Hintayin mo akong makabalik." sabi niya at tinalikuran ako.
Ilang segundo ang lumipas ay may lumabas mula sa kitchen. Nasisigurado 'kong kapatid ito ni Julian dahil magkamukhang magkamukha sila. Parang pinabatang Julian lang ang nasa harap ko ngayon. Siguro dalawang taon lang ang agwat nila. May dala dala syang pop corn at gulat na nakatingin sa 'kin. Tumayo ako at mababang tumango sa kaniya. Lumapit sya sa 'kin at pinag masdan ang kabuuan ko. Pagkatapos no'n ay tumingin sya sa taas ng hagdan at parang hinahanap nya ang kuya nya at muling tumingin sa 'kin.
Umaliwalas agad ang mukha niya at ngumiti sya sa 'kin."Hi!" masayang bati niya sa 'kin.
"Hello," masayang bati ko din sa kaniya.
May pakiramdam akong magiging close ko siya hehe. Mukhang malayo sila ng ugali ng kuya niya.
"Bisita ka ni Kuya?" umupo siya kaya umupo din ako. Ang gwapo niyang bata.
Tumango ako bilang sagot. Bahagya nyang inabot ang pop corn na kinakain nya na parang sinasabi nyang kumuha ako kaya kumuha na din ako. Pagtingin ko sa kaniya ay bahagya akong nagulat dahil nakatitig ito sa 'kin. Ang seryoso ng mukha niya.
"May problema ba?" tanong ko.
"Nothing." ngumiti sya at ang cute cute nya do'n. "Anyway, what are you doing here?"
"Ahh. May gagawin kasi kami na project ni Julian at bukas na namin 'yon ipapass kaya nandito ako ngayon."
"Classmate ka niya?" tanong nya at tumango naman ako.
Humarap siya as ibang direksyon. "Bakit hindi ko sya nakikita?" nakangusong bulong niya. Narinig ko naman 'yon kaya nagsalita ako.
Agad akong lumapit sa kaniya. Dumungaw ako sa mukha nya. "Sa Fureton ka din nag-aaral?"
Kitang kita ko ang pagkagulat niya nung tumambad ang mukha ko sa harap ng mukha niya. Lumayo sya agad sa 'kin at kumurap kurap.
"D-Don't be so close."
Natawa naman ako sa naging reaksyon niya. Inilayo ko ang sarili sa kaniya.
"Nabigla lang ako hehe. So, sa Fureton ka din nag-aaral?" tanong kong muli.
BINABASA MO ANG
Nerds In Love with Gangsters
RomanceMagkakaibigan sila mula pa sa pagkabata. Magtatatlong taon na rin mula nung pinili nilang magbago ng kanilang hitsura. Ang maging isang nerd. Ginawa nila 'yun dahil sa isang dahilan, ang atensyon, ang pinaka ayaw nila sa lahat. At sa tatlong taon di...