Aiser's POV
'Tsk tsk.'
Pagkabalik ko ng classroom ay sumunod pumasok si Kein. Tumingin siya sa 'kin. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kaniya.
Mabilis natapos ang klase. Pagkalabas ko ay sumalubong agad ang mukha ni Carmen. Patingin tingin siya sa loob ng classroom at nung makita niya ako ay ngumiti siya.
"Nandyan ba si Kein?" tanong niya sa 'kin.
"Mmm.. bakit?"
Nagbago ang itsura niya. Yung dating mala anghel at mahinhin na itsura ay naging maarte.
Hinarap niya ako. Itinaas niya ang kilay sa 'kin at ngumisi. Kumunot naman ang noo ko sa inasta niya.
Pinagkrus niya ang dalawang braso at mataray na tumingin sakin. "Bakit gusto mong malaman?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot. "Well, yayayain ko siyang lumabas." maarte niyang sabi at ngumiti.
"Kahit wag na. Lalabas din siya mamaya eh, para umuwi."
"Hahaha you're funny.."
'And you're great pretender'
Tumingin ako sa paligid. Walang tao. Kami lang dalawa. Hinarap ko siya. "Saan mo naman siya dadalhin?" tanong ko.
Ngumisi siya. "Masiyado ka namang curious.."
Ngumisi ako. "Gusto ko lang malaman. Baka kung saan mo sya dalhin, mahirap na.." dahil hindi ka katiwa tiwala sa paningin ko. Hindi mo pa pinapakita ang tunay mong kulay.. at ngayon nagsisimula pa lang.
"Haha.. don't worry.. dadalhin ko lang naman siya sa heaven." mas lalo siyang ngumisi. Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya at masama ko siyang tinignan.
"Subukan mo, dadalhin kita sa impyerno." tinalikuran ko siya at inis na naglakad papunta sa parking lot.
'Pesteng 'yun. Anghel nga sa kagandahan.. demonyo naman sa ugali tsk tsk.'
Hindi ko maintindian kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Naghahalong inis at galit. Inis dahil sa nangyari kahapon at dinagdagan pa ngayon. At galit dahil sa sinabi ni Carmen. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magalit sa sinabi niya tsk.
Agad akong pumasok sa kotse ko at padabog na sinara ang pinto. Kinuha ko ang cellphone at nag text kay Nathalie na mauuna na ako. Ilang saglit pa ay nakita ko si Carmen kasama niya na si Kein. Pumasok sila sa kaniya kaniya nilang kotse at unang umalis si Carmen at sinundan naman ito ni Kein.
"At talaga namang pumayag siya? Tss."
Pinaandar ko na ang kotse ko at sinundan ko sila. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa pero pinili ko na lang na ipagpatuloy ang pagsunod sa kanila.
Sinigurado kong hindi nila ako mahahalata at nung huminto sila sa isang coffee shop ay ihininto ko din ang sasakyan sa 'di kalayuan. Sinigurado kong mula sa puwesto ko ay makikita ko silang dalawa.
Pagkatapos nilang umorder ay umupo na sila. Nagsimula na silang magkwentuhan at minsan ay sabay silang tumatawa. Naiinis ako do'n. Ibang iba ang pinapakita niya kay Kein ngayon. Ayun na naman ang mala anghel niyang mukha at talaga namang napakaganda ng pagkakangiti niya kay Kein.
Isang oras na ang lumipas at nando'n pa rin sila. Hanggang sa napaayos ako ng upo nung tumayo na si Kein at sinundan naman ito ni Carmen. Lumabas na sila ng coffee shop at ilang saglit silang nag-usap bago sumakay ng kotse si Kein. Pagkatapos umalis ni Kein ay naiwan namang nakangiti si Carmen. Nung umalis na din siya ay do'n ako nakahinga ng maluwag.
BINABASA MO ANG
Nerds In Love with Gangsters
RomanceMagkakaibigan sila mula pa sa pagkabata. Magtatatlong taon na rin mula nung pinili nilang magbago ng kanilang hitsura. Ang maging isang nerd. Ginawa nila 'yun dahil sa isang dahilan, ang atensyon, ang pinaka ayaw nila sa lahat. At sa tatlong taon di...