Nikka's POV
Bumalik ako sa classroom ng lutang. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang narinig ko kanina at ayaw ko itong ipagsawalang bahala.
"So now, may naka beat kay Nathan sa test niyo kahapon." napatingin ako kay Ma'am at natigil din sa pag iisip dahil do'n.
'May naka beat kay Nathan?? Bago 'to ah!'"Alam naman natin na si Mr. Nathan Feign ang laging nangunguna pag dating sa quiz at test pero ngayon, may nakatalo sa kaniya. Isang puntos ang lamang nito kay Nathan at siya ay si.."
'Siguradong hindi ako 'yan. Siguro si Vanessa o 'di kaya si Aiser. Asa naman ako diba? Pero gusto kong malaman kung sino ba talaga 'yon. For the first time kasi na may nakatalo kay Nathan at nakakagulat 'yon!'
"Ms. Nikka Rodriguez."
Natigilan ako at literal na napanganga.
"A-Ako Miss??" turo ko sa sarili ko habang nakatingin kay Ma'am at tumango ito. Nagsimula namang magpalakpakan ang mga classmate ko sa pangunguna syempre ng mga kaibigan ko.
'Hindi ako makapaniwalaaa!!'
"Actually, kayong dalawa sana ang naka-perfect score but may isang tanong na sinagutan si Nathan and after that nagsulat din siya ng tanong." sabi ni Ma'am. "Gusto mo bang malaman kung ano ang tanong niya?"
Kahit naguguluhan man kung bakit gusto ni Ma'am na malaman ko kung ano ang tanong niya ay tumango na lang ako.
"A-Ahh... Sige po! Sige po!" sabi ko na lang.
Hindi mawala ang ngiti ko sa labi. Tumingin ako kay Nathan para sana ngitian siya pero nakatungo lang siya. Anong nangyari do'n?
Nung ibinalik ko ang tingin ko kay Ma'am ay nakangiti pa rin ako ngunit unti unti itong nawala dahil sa narinig.
"Ang sagot ni Nathan in the last number is, Yes, Pascal invented a brass rectangular box what he called a numerical wheel calculator also called a Pascaline, to help his Father with his duties because his Father is a tax collector. And that is check. But, after his answer, he wrote a question and the question is.. Can I court you Ms. Nikka Rodriguez?"
"YIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEE!!!"
Naging lutang ako at kasabay ng bilis ng tibok ng puso ko ay ang malakas na hiyawan ng mga classmate ko lalo na si Kim, Nathalie at Julian.
"Wooooohhhh Nice! Nice!" dinig kong sigaw ni Julian.
"Ang sweeeeeettt!! Kyaaahhh!!!" tili naman ni Nathalie at Kim.
"Yes na 'yaaaaannn!!!" sigaw naman ng iba.
"Yes na 'yan! Yes na 'yan! Yes na 'yan!" nangungunang sabi ni Nathalie with matching palo sa arm chair nya hanggang sa ginaya na din siya ng iba.
Waaaahhhh!!! I don't know what to do and to say!!!
Ang bilis ng puso ko at kinakabahan ako ng sobra! At mas dumadagundong ang puso ko dahil sa pagpalo ng mga classmate ko sa arm chair!
"I'm leaving." napatingin ako kay Ma'am dahil parang ako lang ang nakarinig no'n at nagulat na lang ako nung bahagya itong nakangiti sa akin bago umalis.
At ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko.
Lumapit agad sakin si Nathalie at Kim pati na rin yung iba naming classmate na naging close din namin simula nung nagbago kami ng hitsura. Yung iba naman lalo na ang mga boys ay pumunta sa likod para dumugin din si Nathan. Aiiisshhh!!
BINABASA MO ANG
Nerds In Love with Gangsters
RomanceMagkakaibigan sila mula pa sa pagkabata. Magtatatlong taon na rin mula nung pinili nilang magbago ng kanilang hitsura. Ang maging isang nerd. Ginawa nila 'yun dahil sa isang dahilan, ang atensyon, ang pinaka ayaw nila sa lahat. At sa tatlong taon di...